CSO-Bocaue

CSO-Bocaue Official page of the Civil Society Organization in Bocaue.

Pagbati po sa lahat ng ating mga Civil Society Organizations na nagsitanggap ng kani-kanilang Certificate of Accreditati...
18/11/2025

Pagbati po sa lahat ng ating mga Civil Society Organizations na nagsitanggap ng kani-kanilang Certificate of Accreditation kanina, Nobyembre 18, 2025, sa Sangguniang Bayan Session Hall sa ating pamahalaang bayan.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagbibigay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa ating mga adhikain.

Congratulations po sa inyong lahat! 💙✌️

28/10/2025

Sa direktiba ni Mayor Jonjon Villanueva, isinagawa noong Oktubre 24, 2025 ang CSO Consultation Workshop and Planning for...
24/10/2025

Sa direktiba ni Mayor Jonjon Villanueva, isinagawa noong Oktubre 24, 2025 ang CSO Consultation Workshop and Planning for Capacity Development Program na dinaluhan ng iba't-ibang accredited Civil Society Organizations sa ating bayan ng Bocaue.

Ang paghahanda para sa Capacity Development Program ay mahalaga upang mapagplanuhan kung paano mas mapauunlad ang kakayahan ng ating mga CSOs at ang sistema upang mas maging maayos at mapag-igting ang ugnayan ng ating mga CSOs sa ating pamahalaang bayan.

Tinalakay ang iba't-ibang issues at concerns sa iba't-ibang development sectors upang mas matukoy ang mga suliranin na dapat masolusyonan at mga proyektong mas magpapaunlad sa ating bayan.

Ito ay pinangunahan ni MLGOO VI Bernadette A. Salazar, MPDC Engr. Jose Rexie R. Cruz, CSO Desk Officer Carl Jerome Ligacion, katuwang ang mga MPDO Staff.

Sa direktiba ni Mayor Jonjon Villanueva, ginanap noong Setyembre 30, 2025 ang Joint Organizational Meeting for the Recon...
30/09/2025

Sa direktiba ni Mayor Jonjon Villanueva, ginanap noong Setyembre 30, 2025 ang Joint Organizational Meeting for the Reconstitution and Convening of the Local Special Bodies ng mga Civil Society Organizations sa Municipal Covered Court sa dakilang bayan ng Bocaue.

Dumalo sa nasabing pagpupulong si Konsehala Mirasol B. Bautista upang magbigay ng panimulang pagbati at suporta sa ating mga CSOs. Ang Joint Organizational Meeting ay pinangunahan ng ating DILG MLGOO VI Bernadette A. Salazar, MPDC Engr. Jose Rexie R. Cruz, CSO Desk Officer Carl Jerome Ligacion, katuwang ang mga MPDO Staff.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga organisasyon mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan sa ating bayan na naglalayon upang irepresenta ang mga sektor na kanilang kinabibilangan. Mahalaga ang gampanin ng mga Civil Society Organizations dahil sila ang katuwang ng ating pamahalaang bayan sa pagpaplano at pagsasagawa ng mga programa at proyekto na nais isagawa ng ating punong-bayan.

Maraming salamat po sa lahat ng nagsidalo sa pagpupulong na ito.


17/09/2025
Kahapon, Setyembre 16, 2025, ginanap ang Civil Society Organization's Election of Representatives to the Local Special B...
17/09/2025

Kahapon, Setyembre 16, 2025, ginanap ang Civil Society Organization's Election of Representatives to the Local Special Bodies (LSBs).

Mahalaga ang partisipasyon ng iba't-ibang organisasyon sa ating bayan upang mapatibay ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga iba't-ibang sektor sa ating bayan upang maipagpatuloy at maisagawa ang iba't-ibang proyekto at programa na nais ipatupad ng ating punong-bayan.

Ang oryentasyon at eleksyon ay pinamunuan ng ating MLGOO VI Bernadette A. Salazar ng DILG, ng ating MPDC, Engr. Jose Rexie R. Cruz, CSO Desk Officer, Carl Jerome Ligacion, katuwang ang MPDO Staff.

Maraming salamat po sa lahat ng nagsidalo sa nasabing pagpupulong.

ANUNSYO:Magkakaroon po ng pagpupulong sa darating na Setyembre 16, 2025 (1:00PM) para sa pagpili ng mga kinatawan para s...
02/09/2025

ANUNSYO:

Magkakaroon po ng pagpupulong sa darating na Setyembre 16, 2025 (1:00PM) para sa pagpili ng mga kinatawan para sa Local Special Bodies mula sa ating mga accredited Civil Society Organizations (CSOs) ng ating bayan.

Mangyaring magpadala po ng 1 kinatawan ang bawat accredited na CSO sa araw na iyon.

Maraming salamat po!

14/08/2025

Magandang araw po sa ating lahat!

Sa lahat po ng mga samahan na nais lumahok sa CSO Conference po sa Agosto 19, 2025 sa ganap na ika-8:00 ng umaga hanggang ika-12 ng tanghali sa Cristina Hall, One Grand Pavilion Events Place & Villas, Blas Ople Road, Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Mangyari pong magbigay ng inyong e-mail address or Facebook Account para sa kumpirmasyon ng inyong pagdalo at para sa iba pang mga anunsyo.

Maraming salamat po!

13/08/2025

Magandang araw po sa ating lahat!

Sa lahat po ng mga CSOs sa ating bayan na nais pong magpaaccredit ng kanilang organisasyon ay mangyaring magmessage lamang po dito sa ating page para po sa mga forms na kailangan sa accreditation.

Maraming salamat po!

Send a message to learn more

✌🏽💙
12/08/2025

✌🏽💙

Kahapon, Agosto 8, 2025, ay matagumpay pong nairaos ng Civil Society Organization (CSO) Conference na dinaluhan ng mga o...
09/08/2025

Kahapon, Agosto 8, 2025, ay matagumpay pong nairaos ng Civil Society Organization (CSO) Conference na dinaluhan ng mga organisasyon ng iba't-ibang sektor sa bayan ng Bocaue.

Ito ay ginanap sa Conference Room ng Mayor's Office sa ating munisipyo na pinamunuan ng ating DILG MLGOO VI Bernadette A. Salazar, ang ating MPDC na si Engr. Jose Rexie R. Cruz, CSO Desk Officer Carl Jerome Ligacion, katuwang ang MPDO Staff.

Nais po nating pasalamatan ang lahat ng nagsidalo sa kaganapang ito 🙂

Sa lahat po ng may tanong tungkol sa accreditation process ng Civil Society Organizations, ay mangyaring magmessage lamang po dito sa ating page.

Maraming salamat po! 🩷

Magandang araw po sa ating lahat!
04/08/2025

Magandang araw po sa ating lahat!

Address

New Municipal Hall, Igulot, Bulacan
Bocaue
3018

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CSO-Bocaue posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share