25/09/2026
๐ฐ " MARCOS JR POSTPONES BARANGAY, SK POLLS TO 2028"
Hindi man natuloy ang halalang matagal nating pinaghandaan, hindi nito mabubura ang mga araw at panahong inilaan namin para sa isang adhikaing malapit sa aming puso, ang makapaglingkod at makapagbigay ng kahit maliit na serbisyo para sa kabataang Duhateรฑo. ๐
Sa mga nakaraang buwan, naging masaya kami sa bawat pagkakataong kami ay nakapagbahagi kahit sa simpleng paraan lamang. Wala kaming pinagsisisihan sa anumang ginawa namin, dahil lahat ng iyon ay bukal sa aming puso. Masaya kami na kahit sa maliit naming kakayahan, nagkaroon kami ng pagkakataong makapagbigay ng suporta at makasama ang kabataang Duhateรฑo.
Bilang isang aspiring SK Chairman, nagpapasalamat ako dahil sa paglalakbay na ito, mas lalo kaming namulat sa pangangailangan at sa potential ng bawat kabataan sa ating Barangay. Kasama ang mga kabataang may parehong hangaring tumulong, makiisa, at magbigay ng kanilang oras at kakayahang mag serbisyo para sa kabataang Duhateรฑo. Kay SK Marc JV Surio, SK Dave Termulo, SK Jhelo Bautista, SK Johnloyd Marquez, SK Rosa Mia Santos, SK Meshael Villavicencio, at SK Hanna Miles Tanginan. ๐ซ๐ค
Maraming salamat sa lahat ng gumabay, tumulong, sumuporta, at naniwala sa amin sa buong paglalakbay na ito. Sa Team Kap Tony Dela Cruz at higit sa lahat, maraming salamat sa mga taong nagtiwala sa akin at sa Team Jaymie. Hindi namin makakalimutan ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa amin.
Naipagpaliban man ang halalan, hindi naman namin ipagpapaliban ang aming kagustuhang maglingkod.
Ang Team Jaymie ay mananatiling handang makiisa, sumuporta, at tumulong sa mga programang para sa kabataan ng ating barangay sa abot ng aming makakaya.๐๐ปโโ๏ธ
Maraming salamat, Duhat.
Salamat sa tiwala.
At salamat sa pagkakataong makapaglingkod.๐๐ค
โ Team Jaymie