Marinduque Council for Environmental Concerns

Marinduque Council for Environmental Concerns MACEC is about environment

*Maligayang ika-13 Anibersaryo, MACEC Punong Chapter!* ๐ŸŽ‰๐ŸŒฟMay 20, 2026 โ€” Ipinagdiwang ng MACEC Punong Chapter ang 13 taon...
21/05/2026

*Maligayang ika-13 Anibersaryo, MACEC Punong Chapter!* ๐ŸŽ‰๐ŸŒฟ

May 20, 2026 โ€” Ipinagdiwang ng MACEC Punong Chapter ang 13 taong paglilingkod sa bayan at kalikasan sa pamamagitan ng _Pulot Plastic_, Zumba, at Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Arvin Madla, Chairman ng Marinduque Council for Environmental Concerns.

Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Arvin na:
*Lumingon sa likod* upang balikan ang pinagmulan,
*Bumaling sa kaliwa at kanan* upang palakasin ang samahan at kasapian bilang _steward ng nilikha_,
*Humarap sa unahan* upang tutukan ang pagtugon sa hinaharap at sa susunod na henerasyon.

Ibinahagi naman ni Beth Manggol, Secretariat Head ng MACEC, ang kanyang kasiyahan sa mga best practices na nailahad sa ulat ng chapter:
- Pangangalaga ng kalikasan at kalinisan ng barangay
- Livelihood projects para sa komunidad
- Mabilis na pagtugon sa sakuna at disaster
- Aktibong pakikipagtulungan sa Sangguniang Barangay
- Sariling inisyatibo sa pangangalap ng pondo

Ayon sa kanya, mahalagang maidokumento ang mga ito upang maging inspirasyon sa iba pang MACEC chapters sa buong Marinduque. ๐Ÿ’š

Nagkaroon din ng blessing sa ginawang bahay pulungan ng chapter at naging bahagi dinr ng pagdiriwang ang pagbibigay ng Posthumos Award sa mga kasaping namayapa na at pagbibigay ng Certificate of Recognition sa mga naging gabay sa pagsulong ng Punong Chapter na sina Julius Revilloza, Staff ng MACEC, Richard Pantoja our going Chairman ng MACEC Sta. Cruz Chapter at Kap. Romeo Perfinan, outgoing Chairman ng Punong at in-coming Chairman ng MACEC Sta. Cruz Chapter.
Salamat sa bagong pamunuan at mga Kasapi. Mabuhay ang MACEC Punong Chapter! Patuloy tayong maging tagapangalaga ng nilikha para sa susunod na henerasyon.

Address

Boac
4900

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+63423320229

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Marinduque Council for Environmental Concerns posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Marinduque Council for Environmental Concerns:

Shortcuts

Share