07/12/2024
𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐍𝐃𝐎 𝐍𝐎𝐎𝐍 𝐀𝐓 𝐍𝐆𝐀𝐘𝐎𝐍 :𝚰𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐖𝐀𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐆𝐎
Noon, ang mundo'y isang paraisong di-mawari,
Ilog at dagat, asul na repleksyon ng langit na maririkit.
Hangin, presko't malinis; kagubatan, sagana't luntian;
Walang polusyon, kalikasan, payapa't maginhawa't kayamanan.
Ngunit ngayon, ang mundo'y nagbabago na,
Sa ating mga gawa, ito'y nasasaktan na.
Walang tigil ang paghihirap,
Sa pagkawasak, tayo'y may pananagutan.
Ang lupa'y naghihirap, ang mga puno'y namamatay,
Ang mga hayop ay nag-aagawan, tirahan ay nawawala na.
Ang tao'y may kasalanan, sa kanyang pagiging sakim,
Sa kanyang pag-aabuso, sa kalikasan na kayamanan.
Hanggang kaylan kaya magtitiis ang ating mundo
Mula sa ating makasarili at mapagpinsalang gawain?
Panahon na... Panahon na ng pagbabago,
Iligtas natin ang mundo, mula sa pagkawasak.
Maging bahagi ng solusyon, hindi ng problema,
Isang luntiang kinabukasan, ang ating hangarin.