09/11/2025
๐ฃ PUBLIC ADVISORY | BINANGONAN UNDER ORANGE HEAVY RAINFALL WARNING AND SIGNAL NO. 3
(As of 5:00 PM, November 9, 2025 | PAGASA Heavy Rainfall Warning #5)
โ ๏ธ Ang Rizal Province, kabilang ang Binangonan, ay kasalukuyang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 3 at ORANGE HEAVY RAINFALL WARNING.
Ibig sabihin nito ay inaasahang malalakas hanggang napakalalakas na ulan sa susunod na mga oras, na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga mababang lugar at gilid ng bundok.
๐ง Ano ang ibig sabihin ng ORANGE WARNING?
โFlooding is still threatening.โ
Maaaring magpatuloy o magsimula ang malawakang pagbaha.
Lumikas agad kung kayo ay nasa lugar na paulit-ulit binabaha o may kasaysayan ng pagguho ng lupa.
๐ง๏ธ Sa kasalukuyan:
Signal No. 3 pa rin sa Rizal maliban sa Rodriguez, kaya inaasahan ang malalakas na hangin (89โ117 km/h) at pagputol ng kuryente o komunikasyon.
Ang ulan ay patuloy na lalakas habang papalapit ang sentro ng bagyong Uwan (Fung-Wong).
Mataas din ang posibilidad ng pagbaha sa mga barangay sa tabing lawa, tabing ilog, at mababang lugar.
โ
Mga Dapat Gawin Ngayon:
๐Agad na lumikas kung nasa mababang lugar o tabing-dagat.
๐Huwag hintayin ang ulan o tubig-baha bago umalis.
๐Ihanda ang mga gamit โ pagkain, tubig, flashlight, cellphone, powerbank, gamot, damit, at mahahalagang dokumento.
๐Makipag-ugnayan sa Barangay Hotline kung kailangan ng saklolo o transportasyon.
๐Iwasan muna ang paglabas, paglalakad o pagmamaneho sa baha.
๐I-monitor lamang ang mga opisyal na anunsyo ng PAGASA at ng Pamahalaang Bayan ng Binangonan.
๐ Sa mga gustong lumikas:
Bukas na po ang ating evacuation centers.
Dalhin ang inyong sariling gamit sa pagluluto, plato, baso, at mga personal na gamit.
๐ Emergency Hotlines:
MDRRMO: 0965 623 8674
Health Service: 0950 717 1241
Police: 0963 473 3347 / 0998 967 3458
BFP: 0966 957 7505
Coast Guard: (02) 8813 6889
Manatiling alerto, kalmado, at handa, Binangonan.
๐ฉต