21/08/2026
Narito ang ilan sa mga batang Binalonian na nagpabakuna bilang pakikiisa sa Measles Rubella Supplemental Immunization Activity.
Patuloy po ang ating paghikayat sa mga magulang at tagapag-alaga na pabakunahan ang ating mga anak laban sa Tigdas. ππ
Huwag po tayong basta maniwala sa mga kumakalat na post sa Facebook. Suriin muna ang impormasyon at makinig sa tamang payo ng ating mga health worker at health professionals. Ang tamang impormasyon at pagpapabakuna ay mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak laban sa Tigdas.
Wala po sanang maiiwan na Batang Binalonian! Sama-sama nating protektahan ang bawat bata at gawing mas ligtas ang ating komunidad
Magpabakuna. Magtanong. Alamin ang tama. Protektahan ang ating mga anak!