07/04/2026
Narito na ang aking unang SK Kagawad - isang future educator na kasalukuyang Iskolar ng Cavite na nag aaral sa Cavite State University - Carmona Campus. Patunay ng kanyang sipag, diskarte, at dedikasyon sa pag-aaral.
Taglay niya ang malasakit na makatulong sa kapwa kabataan, lalo na sa larangan ng edukasyon. Hangarin niyang mapaigting ang kaalaman ng mga kabataan at maging inspirasyon sa bawat isa upang magpatuloy sa pag-aaral at abutin ang kanilang mga pangarap.
Sa kanyang sipag at determinasyon, sisikapin niyang maghatid ng mga programang makabuluhan at kapaki-pakinabang para sa ating komunidad. Isang lider na hindi lamang nangangarap, kundi kumikilos para sa kapakanan ng kabataan.
Kasama ninyo kami sa pagsusulong ng isang mas maalam, mas aktibo, at mas progresibong kabataan! 🩷🤍