AKP - Biñan City Council

Directions

AKP - Biñan City Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from AKP - Biñan City Council, Non-Governmental Organization (NGO), General Capinpin Street, Brgy. Poblacion, Binãn.

💜✨ HAPPY 51ST FOUNDING ANNIVERSARY, ALPHA KAPPA RHO SORORITY! ✨💜May this meaningful milestone remind us of the strong fo...
09/09/2026

💜✨ HAPPY 51ST FOUNDING ANNIVERSARY, ALPHA KAPPA RHO SORORITY! ✨💜

May this meaningful milestone remind us of the strong foundation built through years of genuine sisterhood, unwavering loyalty, compassion, and commitment to serving others. May the Sorority continue to inspire, empower, and create a lasting legacy for generations to come.

Greetings from: AKP - Biñan City Council

[Late post]📌 AKP - Sto. Niño Chapter | Libreng Gupit📅 August 30, 2026📍 Baybay Riles, Brgy. Sto. Niño, Biñan LagunaTuloy ...
07/09/2026

[Late post]
📌 AKP - Sto. Niño Chapter | Libreng Gupit
📅 August 30, 2026
📍 Baybay Riles, Brgy. Sto. Niño, Biñan Laguna

Tuloy tuloy ang programa ng AKP-Sto. Niño Chapter sa pag bibigay ng serbisyo para sa kanilang mga kabarangay. Naghatid sila ng libreng gupit sa mga residente ng Baybay Riles na nasasakupan ng Barangay Sto. Niño Biñan Laguna.




📌 AKP – Canlalay Chapter | Libreng Almusal at Libreng Gupit📅 September 6, 2026📍 Amorlon, Brgy. Canlalay, Biñan City, Lag...
07/09/2026

📌 AKP – Canlalay Chapter | Libreng Almusal at Libreng Gupit
📅 September 6, 2026
📍 Amorlon, Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna

Isang makabuluhan at matagumpay na araw ang ating nasaksihan sa isinagawang Libreng Almusal at Libreng Gupit ng AKP – Canlalay Chapter Biñan City Council, sa pangunguna nina Former GS Ryan Villano at Current GS Ramiro Olitoquit.

Ang programang ito ay sinuportahan din ng Canlalay Chapter Biñan Grand Council, sa pangunguna nina GS Ricky Dogelio at Juvelyn Dogelio, na nakiisa upang maisakatuparan ang isang simpleng programa na may malaking epekto sa ating komunidad.

Layunin ng aktibidad na makapaghatid ng libreng almusal at libreng gupit sa mga residente ng Amorlon, Brgy. Canlalay. Higit pa sa pagkain at serbisyo, ang tunay na halaga ng proyektong ito ay ang pagbibigay ng oras, malasakit, at pag-asa sa ating mga kabarangay. 🙏

Hindi kailangang maging malaki ang isang proyekto para maging makabuluhan. Minsan, isang libreng pagkain, isang simpleng gupit, isang ngiti, at isang pagtulong ay sapat na upang maipadama sa ating kapwa na may mga taong handang tumulong at makiisa.

Saludo kami sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na programang ito! 👏

Kapag ang kapatiran ay nagkaisa, mas marami tayong naaabot. Kapag ang pagkakaisa ay sinabayan ng malasakit, mas marami tayong natutulungan.






📌 AKP - Sto. Tomas Chapter 📅 Libreng Almusal sa mga Kabataan Sa pangunguna ni GS Markboy Niduaza kasama ng kanyang mga o...
07/09/2026

📌 AKP - Sto. Tomas Chapter
📅 Libreng Almusal sa mga Kabataan

Sa pangunguna ni GS Markboy Niduaza kasama ng kanyang mga opisyales naghandog ang AKP - Sto. Tomas Chapter ng libreng almusal sa mga kabataan sa "Barracks Compound" Olivarez Homes South, Brgy. Sto. Tomas, Biñan, Laguna.



07/09/2026

📌 AKP – Timbao Chapter @ Timbao NGO Night
📅 September 5, 2026

Nakibahagi ang AKP – Timbao Chapter sa isinagawang Sing and Dance Contest bilang bahagi ng Timbao NGO Night nitong nakaraang September 5, 2026.

Ipinamalas ng ating mga kapatid ang kanilang mga natatagong talento, husay, at confidence sa entablado. Hindi lamang sa community service, at pagtulong namamayagpag ang ating kapatiran—kundi pati na rin sa talento, passion, at teamwork!

Isang malaking pagbati sa lahat ng lumahok at nagbigay ng kanilang buong suporta para sa ating chapter. Truly, LOUD AND PROUD! 🤟

📍Biñan City Council Chapter GS & Officers Get Together📅 August 31, 2026🏖️ Sabrina's Balai Private Resort🤟Post-anniv Cele...
02/09/2026

📍Biñan City Council Chapter GS & Officers Get Together
📅 August 31, 2026
🏖️ Sabrina's Balai Private Resort

🤟Post-anniv Celebration
🤟Biñan City Council Officers @ 1st Year
🤟 Report and Planning
🤟 Chapter GS Meeting

🤝 AKP-DELA PAZ CHAPTER | FOOD PACK DISTRIBUTION📅 August 23, 2026📍 Brgy. Dela Paz, Biñan, LagunaSa gitna ng paulit-ulit n...
24/08/2026

🤝 AKP-DELA PAZ CHAPTER | FOOD PACK DISTRIBUTION

📅 August 23, 2026
📍 Brgy. Dela Paz, Biñan, Laguna

Sa gitna ng paulit-ulit na pagsubok na dulot ng pagbaha dahil sa mga nagdaang Habagat, muling ipinakita ng AKP-Dela Paz Chapter na ang tunay na kapatiran ay hindi lamang nasusukat sa salita, kundi higit sa lahat sa serbisyo at malasakit sa komunidad.

Taon-taon mang nararanasan ng kanilang mga kabarangay ang ganitong kalamidad, hindi nagsasawa ang kapatiran na maghatid ng kahit simpleng tulong sa mga nangangailangan. Ang bawat food pack na naipamahagi ay simbolo ng pagkakaisa, malasakit, at pagkakaroon ng puso para sa kapwa. ❤️

Ito ang tunay na pagsasapuso ng Doktrina ng ating Kapatiran — ang tumulong, maglingkod, at umalalay sa kahit sino mang nangangailangan, lalo na sa panahon ng kagipitan.

Ang gawaing ito ay pinangunahan ng kanilang Chapter Grand Skeptron, Bro. Elmer Encinares, katuwang ang kanyang mga opisyales at ang kanilang dedikadong Adviser, Bro. Reiner Aliño.

👏 Saludo kami sa buong AKP-Dela Paz Chapter!

Sa bawat tulong, may pusong nagmamalasakit.
Sa bawat serbisyo, buhay ang diwa ng KAPATIRAN.








📌 AKP-CANLALAY CHAPTER | JOINT COMMUNITY PROJECT📅 August 23, 2026📍 Camcam, Brgy. Canlalay, Biñan, LagunaSerbisyo, Pagkak...
24/08/2026

📌 AKP-CANLALAY CHAPTER | JOINT COMMUNITY PROJECT
📅 August 23, 2026
📍 Camcam, Brgy. Canlalay, Biñan, Laguna

Serbisyo, Pagkakaisa, at Pagmamalasakit para sa Kabataan.

Isang makabuluhang araw ang isinagawa ng Alpha Kappa Rho – Canlalay Chapter, kasama sina Konsi Justine Enriquez at Kislap Kabataan, na pinangungunahan naman ni Aspiring SK Sahmer Amoranto Perez, para sa mga kabataan ng Camcam, Brgy. Canlalay.

Sa pamamagitan ng joint project na ito, namahagi tayo ng mga makakain para sa mga kabataan, habang isinagawa naman ng Kislap Kabataan ang isang Hygiene Awareness Activity upang maturuan at mabigyan ang mga bata ng tamang kaalaman tungkol sa wastong paglilinis at pangangalaga sa kanilang katawan.

Hindi lamang pagkain ang ating ibinahagi—kaalaman, malasakit, at inspirasyon din ang nais nating maiwan sa bawat kabataan. Maliit man ang ating hakbang, malaki ang maaaring maging epekto nito sa kanilang kinabukasan. 🙏

Patuloy nating isusulong ang mga programang may tunay na malasakit sa ating komunidad. Ang Alpha Kappa Rho ay handang makipagtulungan at makiisa sa anumang proyekto, organisasyon, o indibidwal basta’t ito ay para sa ikagaganda, ikauunlad, at ikabubuti ng ating komunidad.

Magkakaisa. Maglilingkod. Makikipagtulungan. Para sa Komunidad.






22/08/2026
21/08/2026

Naghahanap po kami ng willing mag donate ng dugo. Blood Type O po sana at willing mag donate ngayong araw. Ang atin pong kapatid na si Brod Emong ng Platero Chapter ay nangangailangan po agad na masalinan ng Dugo, siya po ay naka confine sa Batangas Hospital.

Kung meron pong willing mag donate ngayon, mag mensahe lamang po at makipag ugnayan kay Chairman Flo o kay GS Richard ng Platero Chapter.

Ito po ay malaking bagay upang madugtungan po ang buhay ng ating Kapatid.

Address

General Capinpin Street, Brgy. Poblacion
Binãn
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AKP - Biñan City Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share