04/08/2026
𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗨𝗺𝗮𝗮𝗻𝗴𝗮𝘁! 🇵🇭
May panibagong dahilan na naman para ipagmalaki ang ating kabataan!
Buong pusong binabati ng 𝗦𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 at 𝗧𝗲𝗮𝗺 𝗕𝗧𝗥 si 𝗬𝘂𝗿𝗶 𝗝𝗮𝗺𝗶𝗹𝗮𝗻𝗼 ng 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗼𝗳 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻, sa kanyang natamong 𝗩𝗲𝗿𝗯𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗲𝗻𝗱𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗮𝘁 𝟯𝗿𝗱 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 – 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗮𝗹 𝗢𝘂𝘁𝗳𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗠𝗼𝗱𝗲𝗹 𝗨𝗻𝗶𝘁𝗲𝗱 𝗡𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 (𝗜𝗠𝗨𝗡) 𝗻𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝗝𝗮𝗸𝗮𝗿𝘁𝗮, 𝗜𝗻𝗱𝗼𝗻𝗲𝘀𝗶𝗮.
Sa kanyang pagrepresenta sa Pilipinas bilang bahagi ng 𝗪𝗼𝗿𝗹𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗪𝗛𝗢) committee, pinatunayan niyang kayang makipagsabayan ng kabataang Pilipino sa pandaigdigang talakayan tungkol sa mahahalagang isyu sa kalusugan at kinabukasan ng mga komunidad.
Ang iyong tagumpay ay patunay na ang sipag, talino, at malasakit ay kayang magdala ng kabataan mula sa ating barangay hanggang sa international stage. Nawa’y maging inspirasyon ka sa mas marami pang kabataan na mangarap nang malaki, magsumikap, at gamitin ang kanilang kakayahan upang makagawa ng positibong pagbabago.
𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗮𝘁𝘂𝗹𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀, 𝗬𝘂𝗿𝗶! 𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼 𝗮𝘆 𝗹𝘂𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗸𝗮. 🇵🇭✨