02/05/2026
𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐅𝐈𝐄𝐒𝐓𝐀, 𝐁𝐑𝐆𝐘. 𝐒𝐎𝐑𝐎-𝐒𝐎𝐑𝐎! 🎉
Bilang paghahanda upang maging mas masaya, makulay, at puno ng sigla ang ating fiesta sa Brgy. Soro-Soro, inaanyayahan ang lahat na makiisa at makilahok sa mga inihandang programa ng Angat Kabataan Soro-Soro na may temang " 𝙇𝙖𝙧𝙤 𝙣𝙜 𝙇𝙖𝙝𝙞 "na kung saan ay muling ibabalik at ipaparanas ang mga tradisyunal na larong Pilipino na nagpapatibay ng pagkakaisa, saya, at pakikipagkapwa ng bawat kabataan at mamamayan ng ating barangay
Kabataan, halina’t sama-sama tayong makisaya, makibahagi, at ipakita ang ating talento at pagkakaisa! Layunin ng programang ito na mapalakas ang samahan ng bawat isa at maipakita ang tunay na diwa ng fiesta ang pagkakaisa, saya, at pagmamahalan sa komunidad
Nawa’y maging masaya, ligtas, at hindi malilimutan ang ating pagdiriwang ngayong taon! 🙌