21/06/2026
June 19, 2026 | Brgy. Malamig Child Development Learning Center
Bilang pagdiriwang ng ika-5 anibersaryo ng Librarians Association of Biñan, nagbahagi kami ng personal hygiene kits sa 30 batang mula sa Brgy. Malamig Child Development Center, kabilang ang mga pamilyang naapektuhan ng nagdaang sunog sa lugar.
Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa tulong ni Hon. Mayor Angelo “Gel” Alonte, Department Head ng Biñan Culture, History, Arts and Tourism Office, Dr. Bryan Jayson BJ Borja, Biñan City Studies Center sa pangunguna ni City Librarian, Ms. Sheila G. Legaspi at ng City Gender and Development (GAD) Office. Bukod sa pamamahagi ng hygiene kits, nagbahagi rin si Ms. Sheila ng isang masayang storytelling session na nagbigay aliw at inspirasyon sa mga bata. Naghatid rin kami ng champorado, gatas, at inuming tubig para sa lahat.
Sa simpleng paraan, naipapakita natin na ang malasakit at pagtutulungan ay may malaking epekto sa buhay ng iba.
Maligayang ika-5 anibersaryo, Librarians Association of Biñan! ❤️📚