14/10/2026
TARA NA, KABATAANG BIÑANENSE! MAGING BAGANI!
Nais mo bang palawakin ang iyong kaalaman sa pamumuno, pamamahala, at paglilingkod sa bayan? Inaanyayahan ng Biñan City Youth and Sports Development Office (YASDO) ang mga kwalipikadong kabataang Biñanense na makilahok sa BAGANI: Rising Leaders Development Program – Open Learning ng Development Academy of the Philippines (DAP)!
Napili ang City Government of Biñan bilang opisyal na katuwang sa LAKBAYANI Partnership, na nagbibigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na makapag-aral sa isang LIBRE, online, at self-paced na leadership development program.
Sino ang maaaring sumali?
Mga kabataang 18–30 taong gulang na kabilang sa mga sumusunod:
✅ Young public sector professionals at government youth leaders, kabilang ang mga SK official;
✅ Student leaders mula sa mga kwalipikadong paaralan at institusyon; at
✅ Community leaders mula sa mga organisasyong kinikilala ng NYC, BYC, o iba pang government bodies.
Ang mga mag-aaral mula sa private higher education institutions o basic education institutions ay maaari ring maging kwalipikado kung kumakatawan o kabilang sa isang YORP-registered organization, alinsunod sa mga requirement ng programa.
Mga kursong maaaring kunin:
🔹 TANGLAW – Youth Identity and Participation in Governance
🔹 BUKLOD – Leadership Development in Governance
🔹 PAMANA – Philippine Governance and Upholding Public Service
🔹 HIRAYA – Developing Innovative and Sustainable Solutions
🔹 PAMAMAHALANG PILIPINO – Filipino values at people-centered governance
Bawat matagumpay na nakumpletong kurso ay may Certificate of Completion na katumbas ng 16 oras ng leadership and management training, matapos matugunan at ma-validate ang mga requirement.
Ang opisyal na learning period ay hanggang November 30, 2026.
Interesado? Mag-message sa YASDO para sa koordinasyon at detalye ng endorsement at enrollment. Ang paglahok ay nakabatay sa eligibility verification at slot confirmation ng DAP.
Register here: https://forms.gle/NSeCHZcnEuhX3n58A
Kung nakapag-register ka na, ipaalam din ito sa YASDO para sa koordinasyon at monitoring.
Palakasin ang iyong kakayahan. Maglingkod nang may malasakit. Maging BAGANI para sa bayan! 💙💛