23/04/2026
🏀 𝓟𝓸𝓫𝓵𝓪𝓬𝓲𝓸𝓷 𝓤𝓷𝓸 𝓛𝓮𝓪𝓰𝓾𝓮 2026 – 𝓢𝓮𝓷𝓲𝓸𝓻 𝓓𝓲𝓿𝓲𝓼𝓲𝓸𝓷 🏀
Nagsimula ang kompetisyon sa isang single round robin kung saan bawat koponan ay nagpakitang-gilas. Sa matinding laban, apat lamang ang umangat para sa semifinals. Agad na naselyuhan ang Top 1 – 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 5 at Top 2 – 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 4, habang nagkaroon ng triple tie para sa natitirang pwesto. Sa huli, ang pumasok sa Top 4 ay 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 6 at 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 2.
🔥 Semifinals
Uminit ang laban sa twice-to-beat format. Sa unang salpukan ng 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 5 vs. 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 2, nauwi pa sa overtime ang dikit na laban, kung saan nanaig ang Purok 2 at napilit ang do-or-die game. Sa kabilang bracket, matinding bakbakan din ang ipinakita ng 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 4 at 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 6, ngunit nanaig ang Purok 4 at agad na nakapasok sa finals.
Sa second game ng Purok 5 at Purok 2, ramdam ang tensyon sa bawat galaw. Sa huli, nakuha ng Purok 5 ang panalo at ang huling tiket papuntang championship.
🥉 Battle for 3rd
Hindi nagpahuli ang laban para sa podium finish—nagpakitang gilas ang dalawang koponan at sa huli:
2nd Runner-up: 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 6
3rd Runner-up: 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 2
🏆 Championship Game
Ito na ang pinakahihintay—𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 4 vs. 𝓟𝓾𝓻𝓸𝓴 5. Nagsimula man sa friendly na usapan, naging dikit at intense ang laban. Walang gustong magpatalo. Sa huling 47 seconds, tabla ang laban—kaba, sigawan, at adrenaline ang bumalot sa court.
Sa huling sandali, Nilamangan ng Purok 5 ang Purok 4 ng 2 puntos!
𝘾𝙃𝘼𝙈𝙋𝙄𝙊𝙉: 𝙋𝙐𝙍𝙊𝙆 5 (78–76)
Isang makasaysayan at kapana-panabik na laban na nagpakita ng tunay na diwa ng basketball—lakas, diskarte, at sportsmanship.
Congratulations sa lahat ng koponan!