25/02/2026
Naku! Kasama din pala sila?
TITO SEN NAKATANGGAP UMANO NG 5 MALAKING MALETA MULA KAY ZALDY CO
Lumutang sa joint affidavit ng 18 dating miyembro ng Marines ang pangalan ni Senate President Tito Sotto, kaugnay ng umano’y serye ng pagde-deliver ng malalaking halaga ng pera sa pamamagitan ng mga maleta.
Batay sa dokumento, partikular na binanggit si Sotto sa Item 43-E ng affidavit, kung saan inilahad ng mga affiant ang umano’y personal nilang naging papel sa pagdadala ng pera.
Ayon sa affidavit (Item 43-E):
“KAMI (Orbillo, Bulontate, Tube, at iba pa) kasama si Zaldy Co ay nagdeliver kay Senator Tito Sotto ng limang (5) large maleta sa kaniyang opisina sa isang building sa Baclaran.”
Ang affidavit ay bahagi ng mas malawak na exposé ng 18 ex-Marines na nagsabing sila umano ang inutusan na maghatid ng pera sa iba’t ibang opisyal ng gobyerno, kabilang ang mga senador, kongresista, at iba pang personalidad na may kaugnayan kay dating Ako Bicol party-list representative Zaldy Co.
Ayon sa dokumento, ang mga perang dinadala ay inilalagay sa:
• Malalaking maleta
• Medium-sized na maleta
• Paper bags at envelopes
at inihahatid umano sa mga opisina, bahay, at eksklusibong townhouse sa Metro Manila.
Sa ngayon, ang mga alegasyon ay nakabatay pa lamang sa salaysay ng mga dating sundalo. Wala pang pinal na desisyon o hatol mula sa korte hinggil sa mga paratang.
Dahil sa bigat ng mga akusasyon, muling nananawagan ang ilang sektor ng lipunan para sa malalim na imbestigasyon at paglilinaw mula sa mga sangkot upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga institusyon ng pamahalaan.
Sa isang social media post ng broadcaster na si Ramon Tulfo, ibinahagi ang umano’y reaksyon ni Sotto sa pagkakadawit nito sa joint affidavit ng 18 dating Marines.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Tulfo ang naging sagot umano ni Sotto nang tanungin niya ito tungkol sa alegasyon:
"Mga p*t*ng in* n*l*! Baka hanapan pa ako ng misis ko kung saan yung pera. Naghahalong kalamay ang mga g*g*"