10/05/2025
Maraming salamat, mga LOVABLES! Lubos ang pasasalamat ng #150 Pamilya Ko Partylist sa inyong mainit na pagtanggap at walang-sawang suporta sa aming adbokasiya at kampanya.
Kasama ninyo ang #150 Pamilya Ko sa bawat hakbang tungo sa isang mas inklusibo at makatarungang kinabukasan para sa lahat pamilyang Pilipino, anuman ang anyo nito.
Isang malaking karangalan na makasama si Sunshine Cruz isulong ang adbokasiya at karapatan ng mga makabagong pamilya.
Pinasasalamatan din namin sina Sue Ramirez, Jake Vargas, Aljur Abrenica, Jennylyn Mercado, Dennis Trillo, 4th Impact, Chito Miranda, at The Dawn na lumahok sa ating mga campaign rally at magbigay-ngiti sa ating mga LOVABLES.
Ikinasisiya rin namin ang mahusay na pagho-host ni Mosang na nagbigay ng kulay sa ating mga pagtitipon.
Sa darating na halalan, huwag kalimutang iboto ang #150 Pamilya Ko Partylist!
Dahil anumang anyo ng pamilya mo, IKAW AY PAMILYA KO! 🧡🩵