13/09/2026
Ang Pilipinas ay nabansagang โKristiyanong bansa.โ Ngunit sa kabila nito, marami pa rin ang hindi tunay na nakauunawa sa Mabuting Balita, kung sino si Kristo, kung ano ang Kanyang ginawa sa krus, at bakit kailangan natin Siya.
โ
โDahil dito, isa sa mga layunin ng NXU Ministry sa pamamagitan ng Gospel Series ay hindi lamang ipakilala si Kristo sa mga kabataan, kundi tulungan silang tunay na maunawaan kung sino Siya, ang kanilang kalagayan bilang makasalanan, at ang dakilang gawaing ginawa ng Panginoon para sa ating kaligtasan.
โ
โAng Mabuting Balita ay hindi tungkol sa pagiging mabuting tao o pagsunod sa mga nakasanayang tradisyon. Ito ay tungkol kay Hesu Kristo (Jesus Christ), na namatay para sa ating mga kasalanan at muling nabuhay upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.
โ
โNgayong darating na Setyembre 27, 2026, sa ganap na 1:00 PM, ating tatalakayin at pagninilayan ang tungkol kay Kristo at sa Kanyang ginawa.
โ
โAng kapurihan at kadakilaan ay sa Panginoon lamang. ๐