Kapisanang Sulo ng Diwa PSU BC

Kapisanang Sulo ng Diwa PSU BC Opisyal na samahang pang-akademiko ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino sa PSU Bayambang

Opisyal na samahang pang-akademiko ng mga nagpapakadalubhasa sa Filipino at kumukuha ng kursong Filipino ng Pangasinan State University - Bayambang.

Sa bawat pagtatapos ay may mga alaalang nagiging bahagi ng kung sino tayo. Mga tawanan sa pagitan ng mga gawain, mga pag...
11/06/2026

Sa bawat pagtatapos ay may mga alaalang nagiging bahagi ng kung sino tayo. Mga tawanan sa pagitan ng mga gawain, mga pagsubok na sabay-sabay nating hinarap, at mga sandaling nagbigay-kulay sa ating paglalakbay bilang isang pamilya sa Departamento ng mga Wika. Ito ang mga kuwentong muling binalikan at pinahalagahan sa isang araw na inilaan upang parangalan ang mga alaala at taong naging mahalagang bahagi ng ating samahan.

Sa temang “Timeless: Honoring Memories Beyond Time,” nagtipon-tipon ang mga mag-aaral, g**o, at panauhin noong ika-1 ng Hunyo 2026 sa Balon Bayambang Event Center upang ipagdiwang ang isang mahalagang yugto ng paglalakbay ng mga magtatapos. Bilang bahagi ng programa, nagsagawa ang Kapisanang Sulo ng Diwa (KSD) at English Communicators Circle (ECC) ng isang testimonial program para sa mga mag-aaral ng ikaapat na taon bilang pagpupugay sa kanilang mga naging ambag, karanasan, at alaalang iniwan sa Departamento ng mga Wika.

Sa ngalan ng Kapisanang Sulo ng Diwa, taos-puso naming binabati ang mga mag-aaral ng ikaapat na taon. Maraming salamat sa mga alaalang inyong iniwan, sa mga aral na inyong ibinahagi, at sa mga kuwentong naging bahagi ng kasaysayan ng ating organisasyon at departamento. Kayo ay naging inspirasyon, kaibigan, at katuwang sa paglikha ng mga alaalang mananatili sa aming puso.

Habang kayo’y patuloy na nangangarap at lumilipad tungo sa bagong yugto ng inyong buhay, dalangin naming matagpuan ninyo ang tagumpay na sa inyo’y naghihintay. Ang oras ay lilipas at ang mga landas ay maaaring mag-iba, ngunit ang mga alaalang nabuo natin ay mananatiling buhay, mga alaalang hindi kayang burahin ng panahon at patuloy na magpapaalala ng mga panahong minsan tayong nagkasama.

Binabati namin kayo, mga kawika! Nawa’y bitbit ninyo ang mga alaalang ito saan man kayo dalhin ng inyong mga pangarap, at nawa’y manatili silang walang kupas tulad ng bakas na iniwan ninyo sa aming mga puso.

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐈𝐘𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍!Sa bawat pagsubok, pagpupunyagi, at sakripisyong inyong hinara...
13/05/2026

𝐏𝐀𝐆𝐏𝐔𝐏𝐔𝐆𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐒𝐄𝐍𝐒𝐈𝐘𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐆𝐔𝐑𝐎 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍!

Sa bawat pagsubok, pagpupunyagi, at sakripisyong inyong hinarap, nanatiling matatag ang inyong hangaring maabot ang lunggating tagumpay. Ngayon, bunga ng inyong dedikasyon at walang sawang pagsisikap, matagumpay ninyong naipasa ang Licensure Examination for Professional Teachers noong Marso 2026.

Ang inyong tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan, kundi isang patunay ng inyong kahandaan na maging gabay at inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga mag-aaral. Nawa’y magsilbi itong daan upang lalo pa ninyong mapagyaman ang inyong propesyon at maitaguyod ang pagpapahalaga sa wika, kultura, panitikan, at bayan.

Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay at makabuluhang paglilingkod bilang mga g**o ng sambayanan—mga g**ong may puso, prinsipyo, at malasakit sa edukasyon.

𝙈𝙪𝙡𝙞, 𝙩𝙖𝙖𝙨-𝙠𝙖𝙢𝙖𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙪𝙥𝙪𝙜𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙡𝙞𝙨𝙚𝙣𝙨𝙞𝙮𝙖𝙙𝙤𝙣𝙜 𝙜𝙪𝙧𝙤 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣!



𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗜𝗬𝗢 | Mamaya na isasagawa ang mga timpalak ukol sa 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔.𝘒𝘪𝘵𝘢-𝘬𝘪𝘵𝘴, 𝘗𝘚𝘜𝘯𝘪𝘢𝘯𝘴!
06/05/2026

𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗜𝗬𝗢 | Mamaya na isasagawa ang mga timpalak ukol sa 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐢𝐭𝐢𝐤𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔.

𝘒𝘪𝘵𝘢-𝘬𝘪𝘵𝘴, 𝘗𝘚𝘜𝘯𝘪𝘢𝘯𝘴!

𝐌𝐚𝐚𝐥𝐚𝐛 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!Ang Kapisanang Sulo ng Diwa (KSD) ay nagpapaabot ng maalab na pagbati kay 𝗕𝗯. 𝗥𝗼𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗠. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀, kasal...
02/05/2026

𝐌𝐚𝐚𝐥𝐚𝐛 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐛𝐚𝐭𝐢!

Ang Kapisanang Sulo ng Diwa (KSD) ay nagpapaabot ng maalab na pagbati kay 𝗕𝗯. 𝗥𝗼𝗰𝗵𝗲𝗹𝗹𝗲 𝗠. 𝗧𝗼𝗺𝗮𝘀, kasalukuyang kalihim ng kapisanan, sa kaniyang pagkakawagi sa 𝘛𝘶𝘭â 𝘛á𝘺𝘰 2026: 𝘗𝘢𝘨𝘴𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘋𝘢𝘭í𝘵, isang onlayn na timpalak na pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

Narito ang kaniyang wagîng akda:

𝐏𝐮𝐧𝐨𝐧𝐠-𝐏𝐮𝐧𝐨
𝘉𝘪𝘯𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘵í𝘵𝘪𝘬 𝘴𝘢 𝘭𝘶𝘱𝘢𝘪𝘯,
𝘜𝘨𝘢𝘵-𝘥ú𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘶𝘴𝘣𝘶𝘯𝘨𝘪𝘯
𝘚𝘢𝘯𝘨𝘢’𝘺 𝘢𝘬𝘥𝘢 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘥𝘢𝘮𝘩𝘪𝘯,
𝘉ú𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘸𝘢’𝘺 𝘴𝘶𝘴𝘶𝘶𝘯𝘨𝘪𝘯.

𝙄𝙠𝙞𝙣𝙖𝙧𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡 𝙠𝙖 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙥𝙞𝙨𝙖𝙣𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙤𝙣𝙜 𝙙𝙚𝙥𝙖𝙧𝙩𝙖𝙢𝙚𝙣𝙩𝙤, 𝘽𝙗. 𝙍𝙤𝙘𝙝𝙚𝙡𝙡𝙚.


𝐃𝐞𝐤𝐥𝐚𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐎𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲𝐨Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Paniti...
01/05/2026

𝐃𝐞𝐤𝐥𝐚𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐎𝐫𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲𝐨

Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2026 ang mga timpalak na Deklamasyon at Oratoryo, edisyong Buwan ng Panitikan na may temang “𝐵𝑒𝑘ë𝑡 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛: 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑡𝑤𝑖𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛.”

Ipamalas ang inyong kahusayan at kasanayan, mga kawika. Layon ng patimpalak na ito na malinang ang inyong kakayahan sa pagbigkas at pagsasalita sa larangan ng Panitikang Filipino.

Isasagawa ang timpalak sa araw ng Miyerkules, ika-06 ng Mayo 2026, sa Gusali ng Departamento ng mga Wika.

Inaanyayahan namin kayong makilahok, ipamalas ang inyong talento, at magwagi ng gantimpala!

Ano pa'ng hinihintay mo? Magrehistro na sa link na ito:
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6

Magkita-kita tayo mga kawika! Ipamalas ang nakakubling ningas ng kahusayan!




𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan...
01/05/2026

𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐥𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲

Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2026 ang timpalak na Pagsulat ng Sanaysay, edisyong Buwan ng Panitikan na may temang “𝐵𝑒𝑘ë𝑡 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛: 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑡𝑤𝑖𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛.”

Ipamalas ang inyong husay sa masining at makabuluhang pagsulat ng sanaysay . Layon ng timpalak na ito na malinang ang inyong kakayahan sa pagsulat at pagpapahayag sa larangan ng Panitikang Filipino.

Isasagawa ang timpalak sa araw ng Miyerkules, ika-06 ng Mayo 2026, sa Gusali ng Departamento ng mga Wika.

Inaanyayahan namin kayong makilahok, ipamalas ang inyong talento, at magwagi ng gantimpala!

Ano pa'ng hinihintay mo? Magrehistro na sa link na ito:
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6

Magkita-kita tayo mga kawika! Ipamalas ang nakakubling ningas ng kahusayan!



𝐏𝐚𝐠𝐤𝐮𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2026 an...
01/05/2026

𝐏𝐚𝐠𝐤𝐮𝐤𝐮𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨

Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2026 ang timpalak na Pagkukuwento, edisyong Buwan ng Panitikan na may temang “𝐵𝑒𝑘ë𝑡 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛: 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑡𝑤𝑖𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛.”

Ipamalas ang inyong husay sa malikhaing pagkukuwento at pagbibigay-buhay sa mga tagpo at tauhan sa pamamagitan ng masining na pagsasalaysay. Layon ng patimpalak na ito na malinang ang inyong kakayahan sa pagpapahayag at paglikha ng kuwento sa larangan ng Panitikang Filipino.

Isasagawa ang timpalak sa araw ng Miyerkoles, ika-06 ng Mayo 2026, sa Gusali ng Departamento ng mga Wika.

Inaanyayahan namin kayong makilahok, ipamalas ang inyong talento, at magwagi ng gantimpala!

Ano pa'ng hinihintay mo? Magrehistro na sa link na ito:
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6

Magkita-kita tayo mga kawika! Ipamalas ang nakakubling ningas ng kahusayan!



𝐃𝐚𝐠𝐥𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐚𝐭𝐢Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2...
01/05/2026

𝐃𝐚𝐠𝐥𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐥𝐮𝐦𝐩𝐚𝐭𝐢

Inihahandog ng Kapisanang Sulo ng Diwa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng Panitikan 2026 ang timpalak na Dagliang Talumpati, edisyong Buwan ng Panitikan na may temang “𝐵𝑒𝑘ë𝑡 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛: 𝑃𝑎𝑛𝑖𝑡𝑖𝑘𝑎𝑛 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑠𝑎 𝐾𝑎𝑡𝑤𝑖𝑟𝑎𝑛 𝑎𝑡 𝐾𝑎𝑙𝑖𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛.”

Ipamalas ang inyong husay sa pagbuo at paghahatid ng makabuluhang talumpati na nagpapahayag ng inyong saloobin at pananaw. Layon ng patimpalak na ito na malinang ang inyong kakayahan sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa larangan ng Panitikang Filipino.

Isasagawa ang timpalak sa araw ng Miyerkoles, 06 Mayo 2026, sa gusali ng Departamento ng mga Wika.

Inaanyayahan namin kayong makilahok, ipamalas ang inyong talento, at magwagi ng gantimpala!

Ano pa'ng hinihintay mo? Magrehistro na sa link na ito:
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6
https://forms.gle/qT1T9q5y3zLxb1bn6

Magkita-kita tayo mga kawika! Ipamalas ang nakakubling ningas ng kahusayan!



𝐌𝐀𝐏𝐀𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐃 𝐍𝐀: 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐑Inihahandog ng 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘁 𝗔𝗺𝗮𝗻𝗶𝗸𝗮𝗯𝗹𝗲, ang isang pelikulang magpapatawa, magpapaiyak, at magpapakilig ...
28/04/2026

𝐌𝐀𝐏𝐀𝐏𝐀𝐍𝐎𝐎𝐃 𝐍𝐀: 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐑

Inihahandog ng 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮𝘁 𝗔𝗺𝗮𝗻𝗶𝗸𝗮𝗯𝗹𝗲, ang isang pelikulang magpapatawa, magpapaiyak, at magpapakilig sa bawat isa.

📍Academic Building, Room 201

Iskedyul ng Pagpapalabas:
• 11:35nu - 12:05nt
• 1:00nh - 1:30nh
• 1:30nh - 2:00nh
• 2:00nh - 2:30nh
• 2:30nh - 3:00nh
• 3:00nh - 3:30nh
• 3:30nh - 4:00nh
• 4:00nh - 4:30nh (Huling Pagpapalabas)

Tara na't manood. Kita-kits, PSUNians!

NOW SHOWING: MAMASAR
Need a breather? Catch MAMASAR all day in the Academic Building!

⏰ Screenings every 30 mins:
9:00 AM – 12:00 PM | 12:00 PM – 4:30 PM

Bring your barkada — see you, PSUnians!

21/04/2026

Makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikan 2026 na may temang Bekët Panitikan / Para sa Katwiran at Kalikasan.

Narito ang mga proyekto ng KWF tampok ang 33 tertulyang pampanitikan na itinataguyod ng mga Sentro ng Wika at Kultura nito sa buong bansa.

𝐌𝐚𝐤𝐢𝐛𝐞𝐤ë𝐭 𝐧𝐚!

Address

Quezon Boulevard
Bayambang
2423

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanang Sulo ng Diwa PSU BC posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Kapisanang Sulo ng Diwa PSU BC:

Share