11/04/2026
📢 MAHALAGANG ANUNSYO: LUTRINA 2026
BARANGAY SAN AGUSTIN, BAY, LAGUNA
Sa ating mga minamahal na kabarangay at deboto,
Ipinaalam po sa lahat na ngayong darating na Linggo, ika-12 ng Abril, 2026, ay magsisimula na ang pagbabahay-bahay ng ating mga Hermano at Hermana.
Ang layunin ng pag-iikot na ito ay para sa mga nais magpatala at kumuha ng Lutrina para sa darating na ika-1 hanggang ika-25 ng Mayo, 2026. Ito ay isang pagkakataon upang makiisa ang bawat pamilya sa ating tradisyunal na pagdarasal at pasasalamat sa ating patron.
Mga Detalye:
Petsa ng Pagbabahay-bahay: Bukas, April 12, 2026 (Linggo)
Sakop ng Lutrina: May 1 – May 25, 2026
Layunin: Pagpapatala ng mga tahanang bibisitahin para sa pagdarasal.
Inaasahan po namin ang inyong mainit na pagtanggap sa ating mga Hermano at Hermana. Magsilbi sana itong paraan upang higit pang mapagbuklod ang ating pananampalataya at pagkakaisa sa San Agustin.
Maraming salamat at pagpalain po tayong lahat!