Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna

Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna Progressive Youth Organization.
(1)

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay, sa pangunguna ni Punumbayan Hon. Michael M. Punzalan, ay muling ipinapaalam sa ...
14/04/2026

Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay, sa pangunguna ni Punumbayan Hon. Michael M. Punzalan, ay muling ipinapaalam sa lahat ang opisyal na game schedules para sa Quarter Finals at Semi Finals ng Palarong Bayeños 2026 Basketball Tournament.

APRIL 17, 2026 – QUARTER FINALS
• Brgy. Calo vs Brgy. San Nicolas — 6:00PM–7:00PM
• Brgy. San Antonio vs Brgy. Bitin — 7:00PM–8:00PM
• LGU vs Brgy. Maitim (Special Game) — 8:00PM–9:00PM

APRIL 18, 2026 – QUARTER FINALS
• Brgy. Maitim vs Brgy. Masaya — 6:00PM–7:00PM
• Brgy. Sto. Domingo vs Brgy. San Agustin — 7:00PM–8:00PM
• LGU vs Winner of Game 1 (April 17) — 8:00PM–9:00PM

APRIL 19, 2026 – SEMI FINALS
• Cluster 1 vs Cluster 2 (Special Game) — 4:00PM–5:00PM
• LGU vs Cluster 3 (Special Game) — 5:00PM–6:00PM
• Waiting on Game Results (TBD) — 6:00PM–7:00PM
• Waiting on Game Results (TBD) — 7:00PM–8:00PM

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at suportahan ang ating mga koponan sa mga darating na laban.

Para sa tuloy-tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay

Isang taos-pusong pakikiramay ang ipinapahatid ng Sangguniang Kabataan sa pamilya, kaanak, at buong sambayanan ng Bayan ...
05/04/2026

Isang taos-pusong pakikiramay ang ipinapahatid ng Sangguniang Kabataan sa pamilya, kaanak, at buong sambayanan ng Bayan ng Bay sa pagpanaw ni Mayor Jose O. Padrid.

Ang kanyang buhay ay naging huwaran ng tapat at makabuluhang paglilingkod sa bayan. Sa kanyang pamumuno, naipakita niya ang malasakit, dedikasyon, at tunay na diwa ng pagiging lingkod-bayan na magsisilbing inspirasyon sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon, lalo na sa kabataan.

Sa gitna ng kalungkutan, kami ay kaisa ninyo sa pananalangin para sa kapayapaan ng kanyang kaluluwa at sa lakas ng loob ng kanyang naiwang pamilya.

Maraming salamat po, Mayor, sa inyong hindi matatawarang serbisyo at pagmamahal sa bayan. Ang inyong alaala at mga nagawa ay mananatiling buhay sa puso ng bawat mamamayan.

OPISYAL NA PAHAYAG NG LOKAL NA PAMAHALAANG BAYAN NG BAY KAUGNAY SA PAGPAPALIBAN NG FIESTA BAYEÑA: THE GARDEN FESTIVAL 20...
30/03/2026

OPISYAL NA PAHAYAG NG LOKAL NA PAMAHALAANG BAYAN NG BAY KAUGNAY SA PAGPAPALIBAN NG FIESTA BAYEÑA: THE GARDEN FESTIVAL 2026

Alinsunod sa Executive Order No. 110, na nagdedeklara ng State of National Energy Emergency at nagbibigay pahintulot sa pagpapatupad ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport mula sa Tanggapan ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, minabuti ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bay, sa pangunguna ni Mayor Jose O. Padrid, na ipagpaliban ang pagdiriwang ng Fiesta Bayeña: The Garden Festival 2026 na nakatakda sanang idaos mula Abril 25-30, 2026.

Ang desisyong ito ay isinagawa bilang pakikiisa at pagsunod sa mga umiiral na direktiba ng pamahalaang nasyunal, gayundin upang matiyak ang maayos at responsableng paggamit ng pondo ng bayan sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon na kinakaharap ng ating bansa.

Taos-puso pong humihingi ng paumanhin ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Bay sa lahat ng ating mga kababayang naghanda at naglaan na ng oras, pagod, at sakripisyo para sa nasabing pagdiriwang. Lubos naming nauunawaan ang kahalagahan ng pagdiriwang bilang bahagi ng ating kultura, pagkakaisa, at pagkakakilanlan bilang mga Bayeños.

Kaugnay nito, ang pagdiriwang ng Fiesta Bayeña 2026 ay ililipat sa buwan ng Agosto 2026. Ang pagbabagong ito ay isinasagawa upang mas matiyak ang sapat na paghahanda, maayos na pamamahala ng pondo ng bayan, at higit sa lahat, ang kapakanan at kaligtasan ng bawat mamamayan.

Nais naming ipabatid sa publiko na ang lokal na pamahalaan ay nananatiling nakatuon sa pagtugon sa kasalukuyang hamon na dulot ng energy emergency. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na layunin na mapanatili ang katatagan ng ating komunidad at matiyak ang tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo-publiko sa ating mga kababayan.

Hinihikayat namin ang patuloy na kooperasyon at pag-unawa ng bawat isa sa panahong ito. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, malalampasan natin ang anumang pagsubok at maipagpapatuloy ang mga tradisyong nagbibigay-buhay sa ating bayan.

Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta at malasakit.

Para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa Bayan ng Bay!

𝗧𝗛𝗔𝗧’𝗦 𝗔 𝗪𝗥𝗔𝗣! 🎬✨Tapos na ang aming Audition Day at punong-puno ang aming puso sa dami ng talentong nasaksihan namin. Ma...
29/03/2026

𝗧𝗛𝗔𝗧’𝗦 𝗔 𝗪𝗥𝗔𝗣! 🎬✨

Tapos na ang aming Audition Day at punong-puno ang aming puso sa dami ng talentong nasaksihan namin. Maraming salamat sa lahat ng nagbahagi ng kanilang oras, pawis, at sining para sa SAMINGTIM.




_
Mula sa progresibong Kabataan ng Barangay Maitim

𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗦Narito ang listahan ng mga 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮  sa naganap na Audition. Kayo na ay opisyal na bah...
29/03/2026

𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗦

Narito ang listahan ng mga 𝗻𝘂𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗮 sa naganap na Audition. Kayo na ay opisyal na bahagi ng SAMINGTIM dancers para sa KUNDAYAN SA KALYE 2026. Para sa mga nakapasok, abangan ang susunod na announcement para sa ating orientation at unang practice.

Para sa lahat ng sumubok, maraming salamat sa inyong tapang at talento. Huwag mawalan ng pag-asa. Ituring itong inspirasyon upang mas lalong paghusayan at pag-ibayuhin ang inyong pagsayaw!






Mula sa Progresibong Kabataan ng Barangay Maitim

📢 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓? 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝐍𝐀 𝐈𝐓𝐎! 🕯️🌍Isang mabilis na paalala para sa ating mga Bayeños: Ngayong gabi na, i...
28/03/2026

📢 𝐑𝐄𝐀𝐃𝐘 𝐍𝐀 𝐁𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐇𝐀𝐓? 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘𝐀𝐍𝐆 𝐆𝐀𝐁𝐈 𝐍𝐀 𝐈𝐓𝐎! 🕯️🌍

Isang mabilis na paalala para sa ating mga Bayeños: Ngayong gabi na, ika-28 ng Marso, ang ating pakikiisa sa 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡 𝐇𝐨𝐮𝐫 𝟐𝟎𝟐𝟔.

⏰ 𝟖:𝟑𝟎 𝐏𝐌 𝐡𝐚𝐧𝐠𝐠𝐚𝐧𝐠 𝟗:𝟑𝟎 𝐏𝐌

Huwag kalimutang i-set ang inyong mga alarm! 𝐒𝐚𝐛𝐚𝐲-𝐬𝐚𝐛𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐰 at hindi kinakailangang gadgets para sa ating planeta.

𝐁𝐀𝐊𝐈𝐓 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋𝐀𝐆𝐀 𝐈𝐓𝐎?
Ito ay higit pa sa pagtitipid ng kuryente; ito ay ating pangako na pangangalagaan ang ating kalikasan para sa susunod na henerasyon.
I-ready na ang inyong mga kandila, solar lamps, o flashlight para sa inyong bonding moments mamaya. Pagkatapos, huwag kalimutang i-comment dito ang inyong mga larawan habang nakikiisa sa makabuluhang oras na ito! 📸👇

🌍𝐈𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐤𝐚𝐝𝐢𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧, 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐬 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐰𝐚𝐧𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐤𝐢𝐧𝐚𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧💡

𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒎𝒐 𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒂𝒏𝒈 60 𝒎𝒊𝒏𝒖𝒕𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝒌𝒊𝒏𝒂𝒃𝒖𝒌𝒂𝒔𝒂𝒏 𝒏𝒈 𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒖𝒏𝒅𝒐?

Sa darating na 𝐢𝐤𝐚-𝟐𝟖 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨, muling makikiisa ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Bay, sa pangunguna ni 𝐌𝐚𝐲𝐨𝐫 𝐉𝐨𝐬𝐞 𝐎. 𝐏𝐚𝐝𝐫𝐢𝐝, sa pandaigdigang pagdiriwang ng 𝐄𝐚𝐫𝐭𝐡 𝐇𝐨𝐮𝐫. Ito ay hindi lamang simpleng pagpapatay ng ilaw; ito ay 𝐬𝐢𝐦𝐛𝐨𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐚𝐭 𝐤𝐨𝐦𝐢𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐥𝐢𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧 at pagtugon sa hamon ng climate change.

🙌 𝐏𝐀𝐀𝐍𝐎 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀?
𝐏𝐞𝐭𝐬𝐚:Marso 28, 2026 (Sabado)
𝐎𝐫𝐚𝐬: 8:30 PM hanggang 9:30 PM
𝐆𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧: Sabay-sabay nating patayin ang mga hindi kinakailangang ilaw at kagamitang de-kuryente sa ating mga tahanan at establisyimento.

Hinihikayat namin ang lahat ng mga Bayeño—mula sa mga barangay, paaralan, hanggang sa mga lokal na negosyo—na 𝐦𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐛𝐮𝐥𝐮𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨. Ang maliit na sakripisyo ng bawat isa ay may malaking epekto para sa ating inang kalikasan.

𝐍𝐚𝐤𝐚-𝐨𝐟𝐟 𝐧𝐚 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐢𝐥𝐚𝐰? Ibahagi ang inyong karanasan! 𝑰-𝒄𝒐𝒎𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒔𝒂 𝒊𝒃𝒂𝒃𝒂 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒏𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒎𝒈𝒂 𝒍𝒂𝒓𝒂𝒘𝒂𝒏 𝒐 𝒔𝒆𝒍𝒇𝒊𝒆𝒔 𝒉𝒂𝒃𝒂𝒏𝒈 𝒏𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒊𝒔𝒂 𝒔𝒂 𝑬𝒂𝒓𝒕𝒉 𝑯𝒐𝒖𝒓. Ipakita natin ang liwanag ng pag-asa sa kabila ng kadiliman! 🕯️✨

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪: 𝗦𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚𝗧𝗜𝗠 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 📣Ipakita ang iyong galing at indak! Ang entablado ay bukas na para sa mga pambato ng S...
27/03/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗘𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗪:
𝗦𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚𝗧𝗜𝗠 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡 📣

Ipakita ang iyong galing at indak!

Ang entablado ay bukas na para sa mga pambato ng San Agustin, Sto. Domingo, at Maitim!
Sino ang susunod na magdadala ng SAMINGTIM sa KUNDAYAN SA KALYE 2026?

📍 Kabaritan Covered Court
⏰ 6:00 PM - 10:00 PM

Halina’t saksihan ang talento ng mga kabataan! Huwag magpahuli sa hiyaw at sayaw!






Mula sa Progresibong Kabataan ng Barangay Maitim

📢 OPEN FOR AUDITION!𝐊𝐀𝐋𝐀𝐍𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆𝐓𝐈𝐌 𝐅𝐎𝐑𝐄𝐕𝐄𝐑 Mga Kabataang Laan sa Sining maging bahagi ng pinaka-inaabangang Kundaya...
25/03/2026

📢 OPEN FOR AUDITION!

𝐊𝐀𝐋𝐀𝐍𝐒𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆𝐓𝐈𝐌 𝐅𝐎𝐑𝐄𝐕𝐄𝐑

Mga Kabataang Laan sa Sining maging bahagi ng pinaka-inaabangang Kundayan sa Kalye 2026! Pinag-isang puwersa ng San Agustin, Sto. Domingo, at Maitim (SAMINGTIM) para sa isang engrandeng selebrasyon.

Ito ay bukas para sa lahat ng mananayaw na bonafide residents ng:
☑️ Barangay San Agustin
☑️ Barangay Santo Domingo
☑️ Barangay Maitim

☑️ Walang Age limit, ito ay bukas para sa lahat ng residente ng San Agustin, Santo Domingo, at Maitim
☑️ Magsuot ng komportableng kausotan para sa Audition (T-Shirt, Jogging Pants, Leggings, Rubber Shoes)
☑️ Lahat ay hinihikayat magsuot ng puting damit (white)
☑️ Hinihikayat na magdala ng sariling tumbler (tubigan)

❌ Bawal ang naka shorts, sando, at tsinelas sa audition.

📅 March 27, 2026 (Friday) | 6:00 PM
📍 Kabaritan Covered Court

Lakas ng Tatlo, Tara na’t Ipanalo! ✊






Mula sa Progresibong Kabataan ng Barangay Maitim

📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Maitim na dumalo sa ating Barangay Assemb...
20/03/2026

📢 BARANGAY ASSEMBLY DAY 2026
Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Maitim na dumalo sa ating Barangay Assembly 2026 upang mapakinggan ang mga ulat, programa, at mga proyekto ng ating pamahalaang barangay para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
📅 March 22, 2026 (Sunday)
⏰ 4:00 PM
📍Maitim Elementary School
Ang inyong presensya at pakikiisa ay mahalaga upang mas mapalakas ang ugnayan ng pamahalaang barangay at ng ating mga mamamayan.
Kita-kits po tayo! 🤝
Sangguniang Barangay ng Maitim

Palarong Bayenos 2026! Basketball Tournament Schedule | March 21, 2026 at 5:00 PM - 6:00 PM 🏀Barangay Dila Covered Court
20/03/2026

Palarong Bayenos 2026!
Basketball Tournament Schedule | March 21, 2026 at 5:00 PM - 6:00 PM 🏀
Barangay Dila Covered Court

20/03/2026

Address

Bay

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Maitim,Bay,Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share