United Solo Parents of Bay - USPB

United Solo Parents of Bay - USPB We are one of the sectoral group under the office of MSWD which composed of Solo Parent Members.

April 18, 2026 ay ipinagdiwang ng United Solo Parents of Bay (USPB) ang Solo Parents Week na may temang:"Hindi ka Nag-ii...
19/04/2026

April 18, 2026 ay ipinagdiwang ng United Solo Parents of Bay (USPB) ang Solo Parents Week na may temang:

"Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa.
Yakap at Kalinga para sa Solo Parents"

Ito ay dinaluhan ng mga elected officers ng 15 barangay kung saan isinagawa din ang panunumpa bilang mga bagong halal na pinuno mula sa naganap na election nung nakaraang January.

Mula po sa Federation President, Malou Victoria-Mendoza, kasama ang lahat ng Presidente ng bawat barangay, isang taos-pusong pasasalamat po sa mga sumusunod na naging kabahagi ng selebrasyong ito;

Hon. Michael Punzalan, Municipal Mayor
Hon. Julian Rod Padrid, Mun. Vice Mayor
Mr. Mosa Soriano, MSWDO
Ms. Badeth Pagaspas, Mun. Social Worker
Ms. Monaliza Ching, Focal Person of USPB

Happy Solo Parents Week sa lahat ng mga solong magulang na nagtataguyod ng kanilang pamilya!

Ang Federation ng United Solo Parents of Bay (USPB) ay nakiisa po sa pagdiriwang ng Solo Parents Week na ginanap sa atin...
19/04/2026

Ang Federation ng United Solo Parents of Bay (USPB) ay nakiisa po sa pagdiriwang ng Solo Parents Week na ginanap sa ating Kapitolyo sa Sta. Cruz noong ika-17 ng Abril 2026 na dinaluhan ng mahigit 300 na mga officers ng kanya-kanyang bayan sa buong Laguna.

Kasama ng Bay Federation President, Malou Victoria-Mendoza ang ilan sa mga Presidente ng iba't ibang barangay ng Bay at ng Municipal Focal Person for USPB na si Ms. Monaliza Ching.

Ang buong samahan po ng mga SOLO PARENTS ng Bae ay taos pusong nakikiramay sa pamilya Padrid sa pagpanaw ng butihing May...
08/04/2026

Ang buong samahan po ng mga SOLO PARENTS ng Bae ay taos pusong nakikiramay sa pamilya Padrid sa pagpanaw ng butihing Mayor Joe.

Ang mga Presidente ng 15 barangay kasama ang aming 550 members ay nagpapasalamat sa lahat ng suporta na ibinigay ni Mayor Joe sa aming samahan. Suportang hindi matatawaran, laging nakaalalay at tunay na maaasahan.

Hanggang sa muli aming Mayor Jose O. Padrid.

HAM para sa lahat ng registered SOLO PARENTS of Bay! Maraming salamat po Gov. Sol Aragones binigay nyo na HAM para sa la...
23/12/2025

HAM para sa lahat ng registered SOLO PARENTS of Bay!

Maraming salamat po Gov. Sol Aragones binigay nyo na HAM para sa lahat ng registered Solo Parents ng buong Bae!

Merry Christmas 🎄🌲

Sa mungkahi ng USPB Fed President Malou Victoria-Mendoza, iba't-ibang barangay ang nagsagawa ng kani-kanilang COMMUNITY ...
24/02/2025

Sa mungkahi ng USPB Fed President Malou Victoria-Mendoza, iba't-ibang barangay ang nagsagawa ng kani-kanilang COMMUNITY SERVICES bilang pagpapatuloy ng serbisyo para sa mga ka-barangay.

CLEAN UP DRIVE:

Brgy. Sta. Cruz sa pangunguna ng kanilang Presidente, Pres. Emlyn Quiatchon;

Brgy. Sto. Domingo sa pangunguna ng kanilang Presidente, Pres. Toni Ramos;

Brgy. San Agustin sa pangunguna ng kanilang Presidente, Pres Ginafe Delosreyes.

FEEDING PROGRAM:

Brgy. San Isidro sa pangunguna ng kanilang Presidente, Pres. Pinky Pineda.

Maraming salamat mga solo parents ng UNITED SOLO PARENTS OF BAY (USPB).

"Para sa Tuloy-Tuloy na Pagsulong sa Bayan ng Bay"

Ang samahan ng United Solo Parents of Bay (USPB), sa pangunguna ng USPB Focal Ms. Loida Hipona Quiatzon at USPB Fed Pres...
16/02/2025

Ang samahan ng United Solo Parents of Bay (USPB), sa pangunguna ng USPB Focal Ms. Loida Hipona Quiatzon at USPB Fed President Malou Victoria Mendoza ay nagdaos ng Solo Parents Day Celebration and General Assembly na may temang:

"SOLO PARENT NA REHISTRADO SA GOBYERNO TIYAK NA PROTEKDADO!"

Ito po ay dinaluhan ng lahat ng Presidente sa buong Bae kasama ang ilan sa kani-kanilang mga myembero.

Buong pusong pasasalamat sa aming butihing Mayor, Hon. Jose Padrid sa lahat ng suporta para maisagawa ang naturang pagtitipon.

Mula po sa bumubuo ng samahan ng United Solo Parents of Bay - USPB, binabati namin ang Brgy. San Antonio President na si...
26/09/2024

Mula po sa bumubuo ng samahan ng United Solo Parents of Bay - USPB, binabati namin ang Brgy. San Antonio President na si
Pres. Cecille Estorel ng HAPPY 60th BIRTHDAY! Maraming pagpapala at malusog na pangangatawan po ang wish namin para sa iyo!

Mula po sa bumubuo ng samahan ng United Solo Parents of Bay - USPB, binabati namin ang Brgy. Bitin President na si Pres....
09/09/2024

Mula po sa bumubuo ng samahan ng United Solo Parents of Bay - USPB, binabati namin ang Brgy. Bitin President na si Pres. Dorothy Villadon Oloc Oloc ng HAPPY 60th BIRTHDAY! Maraming pagpapala at malusog na pangangatawan para sa iyo! 🎉🎂

Mula sa bumubuo ng United Solo Parents of Bay, isang pagbati sa Presidente ng Brgy. Dila,  Pres Maricel Van Opdenbosch s...
18/08/2024

Mula sa bumubuo ng United Solo Parents of Bay, isang pagbati sa Presidente ng Brgy. Dila, Pres Maricel Van Opdenbosch sa iyong kaarawan. Sinubok ka man ng buhay pero nanatili kang matatag! Mahal ka namin. ❤️

Ang Federation po ng Solo Parents ng Bae sa pangunguna po ng aming Fed President Malou Victoria-Mendoza at sa pakikipag-...
25/07/2024

Ang Federation po ng Solo Parents ng Bae sa pangunguna po ng aming Fed President Malou Victoria-Mendoza at sa pakikipag-ugnayan sa Bay Municipality sa pamumuno ni Mayor Joe Padrid ay nagpunta sa Brgy. Dila at Sto. Domingo evacuation center ngayong umaga (July 25, 2024) upang mag-abot ng konteng pang-agahan para sa ating mga kababayan naapektuhan ng malakas na pag-ulan.

United Solo Parents of Bay (USPB)

Happy Happy Birthday Pres Annabelle Gutierrez of Brgy. Puypuy! Pagbati mula sa iyong United Solo Parents of Bay (USPB) F...
01/07/2024

Happy Happy Birthday Pres Annabelle Gutierrez of Brgy. Puypuy!

Pagbati mula sa iyong United Solo Parents of Bay (USPB) Federation family! ❤️

Address

Bay
4033

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when United Solo Parents of Bay - USPB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share