01/06/2026
Ngayong araw, ika-1 ng Hunyo 2026, sa pangunguna ng Ikalawang Punumbayan Hon. Julian Rod “Kuya Kiko” R. Padrid, matagumpay na isinagawa ang Regular Session ng Sangguniang Bayan ng Bay kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin, panukala, at programang may kaugnayan sa patuloy na pag-unlad at kapakanan ng mga Bayeño.
Kasabay nito, nagbigay ng pagkilala ang Sangguniang Bayan sa mga natatanging grupo at indibidwal na nagbigay karangalan sa Bayan ng Bay sa pamamagitan ng kanilang mga kahanga-hangang tagumpay.
Taos-pusong pagbati sa Black Beat Percussion Marching Band sa kanilang natatanging pagganap at matagumpay na pagkamit ng karangalan sa 7th DBCOPI Competition 2026. Ang inyong dedikasyon, disiplina, at talento ay nagsisilbing inspirasyon at pagmamalaki ng buong Bayan ng Bay.
Pagbati rin sa mga kinatawan ng Bay 3x3 Basketball Team sa kanilang pagkamit ng kampeonato sa Intertown Basketball Tournament na bahagi ng palaro na pinangunahan ni Vice Governor JM Carait. Ang inyong tagumpay ay patunay ng husay, pagkakaisa, at determinasyon ng mga atletang Bayeño.
Patuloy na ipinagmamalaki ng Bayan ng Bay ang mga mamamayang nagbibigay karangalan at inspirasyon sa ating komunidad.
The Garden Capital of Laguna
Para sa tuloy-tuloy na pagsulong sa Bayan ng Bay!