13/05/2026
Para sa Komunidad at higit sa Bayan
Tingni: Matagumpay na naisagawa ng 502nd PCGA Squadron ang Coastal Clean Up at Scubasurero sa Coast Area ng Barangay Majuben, Mabini Batangas kasama ang Coast Guard Sub Station Mabini at NAVAL SPECIAL WARFARE TRAINING COMMAND, PN.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang suporta sa ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng NSWTC at pagsuporta sa Intesified Community Assistance, Awareness Response and Enforcement program (ICARE) ng PCG-PCGA.
Ito ay upang palakasin ang Kaligtasan sa Dagat, Seguridad sa Dagat at Proteksyon sa Kapaligiran ng Dagat sa pamamagitan ng pinahusay na pakikilahok ng komunidad at kooperasyon sa pagitan ng mga ahensya.
Nananatiling nakatuon ang 502nd CGAS DSTL sa pagsuporta sa mga katulad na aktibidad sa pangangalaga sa kapaligiran.