Lynville Bauan Home Owners Association

Lynville Bauan Home Owners Association Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Lynville Bauan Home Owners Association, Nonprofit Organization, Brgy. , Asis, Bauan.

12/04/2026

General Assembly

12/04/2026

Mga Pag-uusapan:

--Turnover ng mga open spaces
--Mga concerns at updates mula sa LGU at developer
--Iba pang mahahalagang usapin ng komunidad

Ito na ang pinakahihintay ng lahat! 🏀Hindi man naging madali ang proseso, kakayanin nating mabuo ang isang basketball co...
10/03/2026

Ito na ang pinakahihintay ng lahat! 🏀
Hindi man naging madali ang proseso, kakayanin nating mabuo ang isang basketball court para sa Lynville Subdivision. Sa tulong at suporta ng bawat isa, unti-unti nating makikita ang pangarap na ito na maging realidad.

Nawa kami pong BOD ay inyong patuloy na suportahan hanggang sa dulo upang makabuo tayo ng isang lugar na masasabi nating tunay na atin, isang lugar para sa laro, pagkakaisa, at samahan ng ating komunidad. 🙏

Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ating matagumpay na Bloodletting Activity, lalong-lalo na po sa ating m...
21/02/2026

Maraming salamat po sa lahat ng naging bahagi ng ating matagumpay na Bloodletting Activity, lalong-lalo na po sa ating mga mapagmalasakit at kahanga-hangang Homeowners na naglaan ng oras at nag-donate ng dugo. Hindi lamang dugo ang inyong ibinahagi, kundi pag-asa at buhay. Ang inyong kabutihan ay hindi matutumbasan. Nawa’y muli po namin kayong makasama sa susunod nating pagtulong para sa kapwa. 🩸💝

Maraming salamat din po sa ating Philippine Red Cross - Batangas Chapter

Sa ating Barangay na nag bigay ng assisstance sa aktibidad na ito. 💝

Muli, maraming salamat po sa inyong malasakit. Kayo po ay tunay na bayani.💝

— Board of Directors💚

Magandang araw po sa lahat!Inaanyayahan po namin ang lahat ng HOMEOWNERS at residente ng As-is na makilahok sa aming Blo...
19/02/2026

Magandang araw po sa lahat!

Inaanyayahan po namin ang lahat ng HOMEOWNERS at residente ng As-is na makilahok sa aming Blood Letting Activity.🩸 Ito po ay LIBRE at bukas sa lahat ng kwalipikadong residente na nais tumulong at mag-donate ng dugo.

📍 Lugar: Lynville Residences Clubhouse
📅 Petsa: February 21, 2026 - Sabado
⏰ Oras: 7:00 am to 12:00 pm

Maari lamang pong mag message kay Ms. Alyssa Ashley Pasagui para po sa mga mag papa register. Makikibasa na lamang din po ng mga mahahalgang impormasyon sa pagdodonate.

Ang inyong simpleng paglahok ay makakatulong sa pagligtas ng buhay. Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa makabuluhang gawaing ito. Makikibasa na lamang din po ng mga importanteng impormasyon sa pag dodonate.

Maraming salamat po at inaasahan ang inyong suporta.🥰💝

Happy Valentine’s Day everyone! No more “sana all” hindi pwedeng matapos ang araw na hindi ka makakatanggap ng bulaklak....
15/02/2026

Happy Valentine’s Day everyone! No more “sana all” hindi pwedeng matapos ang araw na hindi ka makakatanggap ng bulaklak. 💐

—Board of Directors💝

15/02/2026

Ang carnation ay isang bulaklak na sumisimbolo ng wagas na pagmamahal, paghanga, at taos-pusong pasasalamat—mga damdaming likas na iniaalay ng isang ina sa kanyang pamilya.

Kaya ngayong Araw ng mga Puso, nais naming iparamdam ang aming taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa lahat ng dakilang ina sa ating subdivision. Kayo ang tunay na puso ng bawat tahanan—ang ilaw na patuloy na nagbibigay init, gabay, at pagmamahal sa bawat isa.

Maligayang Araw ng mga Puso sa lahat ng kahanga-hangang ina. 💐

— Board of Directors 💝

Late upload! 🎄✨Isang simpleng Christmas gift para sa aming mga little ones.Sa munting pamamahaging ito, nawa’y naramdama...
03/02/2026

Late upload! 🎄✨

Isang simpleng Christmas gift para sa aming mga little ones.
Sa munting pamamahaging ito, nawa’y naramdaman nila ang tunay na diwa ng Pasko na puno ng pagmamahalan at pagbibigayan.
Ang inyong mga ngiti ay isa nang napakalaking regalo para sa aming BOD.

Hindi man engrande, ngunit ang saya at ngiting aming nakita ay sapat na upang gawing ganap ang Pasko.💝🫶🏻

Merry Christmas Everyone!!!

Magandang araw po! Ikinagagalak naming ipaalam na mayroon na tayong maayos at magandang Boom Barrier sa ating subdivisio...
22/08/2025

Magandang araw po! Ikinagagalak naming ipaalam na mayroon na tayong maayos at magandang Boom Barrier sa ating subdivision. 💖✨

Ang progreso pong ito ay dahil sa inyong patuloy na suporta at pagtitiwala.
Nawa’y manatili ang ating pagkakaisa at pagtutulungan para sa ikauunlad pa ng ating komunidad. Maraming salamat po muli sa inyong lahat! 🎉

- BOARD OF DIRECTORS💚

04/07/2025

Good day!
Announcement 📣📣📣
Magpapatay po ng tubig mamayang 5m para Makapaglinis po ng Tangke bukas ng umaga...Ang lahat po ay inaabisuhan na mag-ipon ng panggamit na tubig hanggang bukas ng umaga...Salamat po

Happy Fiesta, Lynville Subdivision! 🎉🎊Isang matagumpay, masaya, at mapayapang pagdiriwang ng kapistahan!Maraming salamat...
02/06/2025

Happy Fiesta, Lynville Subdivision! 🎉🎊

Isang matagumpay, masaya, at mapayapang pagdiriwang ng kapistahan!

Maraming salamat po sa ating mga Board of Directors (BOD) na buong pusong naglaan ng oras at effort para sa pagdiriwang ng ating fiesta. Taos-puso rin ang pasasalamat sa mga Barangay Officials and Health Workers na nakiisa at tumulong sa mga aktibidad ng subdivision. Lubos din naming pinahahalagahan ang pakikiisa ng mga homeowners, lalo na sa matagumpay na salubong sa Mahal na Poon.✨

Nawa’y maging mas maayos, mapayapa, at mas masaya pa ang mga susunod nating selebrasyon. 🥳💖

Address

Brgy. , Asis
Bauan
4201

Telephone

+639333266478

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lynville Bauan Home Owners Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Lynville Bauan Home Owners Association:

Share