25/10/2025
๐๐ถ๐๐ต๐ผ๐ฝ ๐ ๐ฒ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ, ๐ ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ก๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ด๐๐๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐๐๐ถ ๐๐ฎ ๐ข๐ธ๐๐๐ฏ๐ฟ๐ฒ ๐ฎ๐ฒ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ
Muling nanawagan si Bishop Socrates Mesiona, MSP, sa lahat mga mananampalataya na magsuot ng puti bukas, Oktubre 26, bilang pakikiisa sa National Day of Prayer and Public Repentance na itinakda ng Catholic Bishopsโ Conference of the Philippines (CBCP).
Ayon sa obispo, ang pagsusuot ng puti ay hindi lamang simbolo ng pananampalataya kundi isang tahimik na paninindigan laban sa kasamaan, kawalang-katarungan, at patuloy na sakuna sa bansa. Sa Palawan, ang Oktubre 26 ay itinakdang araw ng sabayang panalangin at misa sa buong Bikaryato ng Puerto Princesa.
โAng puti ay panalangin. Isa itong paninindigan. Isa itong pag-asa,โ pahayag ni Bishop Mesiona. โSa gitna ng kasinungalingan at korapsyon, magsuot tayo ng puti bilang sagisag ng ating panalangin para sa bayan.โ
Hinihikayat din ng obispo ang paglalagay ng puting laso sa mga bahay, sasakyan, at pampublikong lugar bilang tanda ng pakikiisa. Inaanyayahan ang lahat na magsuot ng puti tuwing Linggo hanggang sa pagdiriwang ng Kristong Hari sa Nobyembre 23.
โBukas, magsuot tayo ng puti. Ipakita natin na tayoโy nagkakaisa sa panalangin, sa paninindigan, at sa pag-asa ng pagbabago,โ dagdag ng obispo.
(via K. Santos)