02/11/2025
Hello Mga Kamanager!
Ginanap ang 1st LCMAB Koopelikula sa Provincial Auditorium noong nakaraang October 27, 2025 na nilahukan ng anim na Kooperatiba sa Lalawigan ng Batangas.
Nakamit ng Srap Multi-Purpose Cooperative ang karangalan bilang kauna unahang Kooperatibang tumanggap ng Best Film para sa sa patimpalak na ito. Nagkamit naman ng 2nd Best Film ang Ibabao MPC. "Pagsulong" at 3rd Best Film ang Bago Ibaan Multi Purpose Cooperative, "Sugal". Kinilala din ang mga mahuhusay na pag kakagawa ng mga pelikula ng Salaban II Women's Multi Purpose Cooperative, "Bukang Liwayway", Inicbulan Water Works Multi Purpose Cooperative, "Daloy ng Pag-Asa", Sabang Ibaan Multi Purpose Cooperative, "Alon ng Pag-Asa".
Panalo din sina Nicolas Encinares bilang Best Actor, Michael Magtaas bilang Best Supporting Actor mula sa Bago Ibaan Multi Purpose Cooperative gayun na din ang People's Choice award para sa Pelikulang "Sugal".
Nakamit naman nina Dionalyn Enriquez bilang Best Supporting Actress, Monina Niturada bilang Best Actress ng Srap Multi-Purpose Cooperative at gayun din ang Best Direction para sa Pelikulang "Sapantaha"
Nagsilbing Major Sponsor ng gawaing ito ang Sorosoro Ibaba Development Cooperative, Provincial Cooperative Development Council, PCLEDO BATANGAS, Cooperative Union of Batangas (CUB).
Kinikilala din ang malaking tulong na ipinaabot ng CLIMBS, BAFEMCO, Hon. Kaye Briones at Hon. Bibong Mendoza.
Maraming Salamat po sa inyong suporta at pag tangkilik sa ating Koopelikula na ito.