14/08/2025
Ngayong ika-14 ng Agosto, ating ipagdiwang ang pagpapatibay ng Magna Carta of Women o Republic Act 9710.
Labing-anim na taon ng pagkilala sa lakas, karapatan, at tinig ng bawat Juana.
Labing-anim na taon ng matapang na paglaban sa kawalan ng katarungan, diskriminasyon, at paglabag sa karapatan ng kababaihan.
Labing-anim na taon ng pagsusulong ng pag-unlad, at pagbibigay oportunidad sa bawat Pilipina.
Mula noon hanggang ngayon, at sa darating pang mga taon, magkakapit-bisig tayong hahakbang tungo sa tunay na pagkakapantay-pantay ng kasarian at ganap na pagtupad sa karapatan ng kababaihan sa Pilipinas.
Maligayang ika-16 na anibersaryo ng ating Magna Carta, mga ka-alaGAD! π