Bin It to Win It: Waste Segregation Project

Bin It to Win It: Waste Segregation Project A community project dedicated to barangay Soro-Soro Ilaya, Batangas City.

Sapagkat kabataan ang pag-asa ng bayan, tinutukan ng proyektong “Bin It to Win It” sa huli nitong linggo ang mga batang ...
24/05/2025

Sapagkat kabataan ang pag-asa ng bayan, tinutukan ng proyektong “Bin It to Win It” sa huli nitong linggo ang mga batang residente ng Soro-Soro Ilaya.

Sa tulong ng programang “Batang Ilaya, Wais sa Basura” na inorganisa ng grupo, nagkaroon ng oportunidad ang kabataan ng nasabing barangay noong Mayo 3 na lumawak ang kamalayan patungkol sa basura bilang isang lumalaking isyu sa kasalukuyan.

Hitik sa makabuluhang diskusyon at kasiya-siyang mga palaro ang programa, kung saan mahigit-kumulang 20 ang naging kalahok at silang nakiisa sa inisyatibo ng grupo na mapangalagaan ang kalikasan.

Samantala, sumunod namang isinagawa ang pagbibigay ng dalawang multi-comparted waste bins bilang donasyon sa barangay.

Ngayong natapos na ang proyekto, umaasa ang grupo na hindi lamang pansamantala ngunit pangmatagalang positibong epekto ang naidulot at maidudulot ng “Bin It to Win It” sa Soro-Soro Ilaya, Batangas City.


Nagbabalik ang Bin It to Win It matapos ang Semana Santa para sa ikatlong linggo ng implementasyon nito, ika-26 ng Abril...
09/05/2025

Nagbabalik ang Bin It to Win It matapos ang Semana Santa para sa ikatlong linggo ng implementasyon nito, ika-26 ng Abril.

Bilang paghahanda sa idaraos na programa para sa mga bata ng Soro-Soro Ilaya, nagkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng mga lider ng grupo at isang opisyal ng barangay.

Ipinaalam ng CW-AL-49 ang gaganaping aktibidad na may pamagat na "Batang Ilaya, Wais sa Basura" sa Mayo 3. Tinalakay rin ang patungkol sa paghiram sa court ng barangay bilang venue, at kung paano makapangangalap ng mga kalahok na bata para sa aktibidad.

Pagkatapos, ginamit ng grupo ang nalalabing oras upang lalo pang paghandaan ang magiging daloy ng aktibidad sa susunod na linggo, gaya ng pagtalakay sa mga kakailanganing materyales at pagtatalaga ng gawain sa iba't-ibang miyembro.


Back again, and cleaner than ever! The second round of "Bin It to Win It" proved that teamwork does make the dream work,...
15/04/2025

Back again, and cleaner than ever! The second round of "Bin It to Win It" proved that teamwork does make the dream work, further emphasizing the importance of collaboration and unity.

On the 12th of April, the said community project maintained its strong commitment to proper waste disposal, through a clean-up drive in partnership with the barangay officials of Soro-Soro Ilaya.

It is true that we can achieve a sustainable environment even with simple steps—such as putting trash where it belongs. Let us keep the momentum going, and show that when we bin it, we all win it!


Sa lumolobong suliranin sa basura, mahalaga na ang lahat ay may kamalayan—'yan ang tinutukan ng proyektong “Bin It to Wi...
07/04/2025

Sa lumolobong suliranin sa basura, mahalaga na ang lahat ay may kamalayan—'yan ang tinutukan ng proyektong “Bin It to Win It” sa unang linggo ng implementasyon nito.

Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga pamphlets at maikling paglalahad ng impormasyon, hinikayat ng mga mag-aaral mula Batangas State University – Alangilan nitong ika-5 ng Abril ang mga residente ng barangay Soro-Soro Ilaya na kumilos kahit sa mga simple o maliliit na paraan.

Naiparating din sa mga taga-Ilaya ang planong mga basurahan na ibibigay bilang donasyon sa barangay, at kung ano ang maaari nilang maging bahagi sa proyektong ito—gaya na lamang ng responsable at maayos na pagtatapon ng basura.

Sama-sama tayong kumilos upang bigyang-solusyon ang lumalaking problema sa basura. Sama-sama nating pangalagaan ang kalikasan.


Address

Soro-Soro Ilaya
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bin It to Win It: Waste Segregation Project posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share