15/08/2024
𝗔𝗣𝗘𝗫 𝗖𝗟𝗨𝗕 𝗢𝗙 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬 💚
Pamamahagi ng Basurahan sa Wawa Elementary School ♻️
Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng mga basurahan sa Wawa Elementary School, sa pangunguna ng Apex Club of Batangas City, katuwang si Cong. Marvey Mariño and Mayor Beverey Rose A.Dimacuha
Tinanggap ni Dr.Leoncia B. Espina, ang Principal ng Wawa Elementary School, kasama si Pangulo Restetuto Roce ng Wawa, ang 36 na piraso ng basurahan para sa 36 na silid-aralan ng nasabing paaralan. Ang mga basurahan ay inihandog ng Apex Club of Batangas City bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsuporta sa edukasyon at kalinisan sa komunidad.
Ang pamamahagi ng mga basurahan ay bahagi ng mas malawak na layunin ng Apex Club na itaguyod ang tamang pagtatapon ng basura at responsableng pamamahala ng kapaligiran sa mga paaralan. Sa pamamagitan nito, inaasahan natin na magiging mas disiplinado ang mga mag-aaral sa pangangalaga ng kanilang paligid.
Sa parehong araw, binigyan din ng Apex Club ang, isang IPED (Indigenous People's Education) Teacher Aide ng Wawa Elementary School, ng pinansyal na tulong na 10,000 pesos. Ang tulong na ito ay para sa kanyang nalalapit na review upang maging ganap na lisensyadong g**o. Ipinagmamalaki niyang isa siyang katutubong g**o, at ang pinansyal na tulong na ito ay magiging malaking suporta sa kanyang propesyonal na pag-unlad at personal na layunin.
Ang ganitong mga inisyatiba ay nagbibigay inspirasyon sa lahat ng miyembro ng komunidad na magkaisa at magtulungan para sa ikabubuti ng nakararami. Ang Apex Club of Batangas City sa Pangunguna ng Newly Elected President Emir Panganiban and Vice President Zyril Manalo katuwang ang iba pang mga officials ay patuloy na nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga paaralan at sa pagsuporta sa mga indibidwal na may pangarap para sa mas maliwanag na kinabukasan.
Mabuhay ang Lungsod ng Batangas! 💚