Kapisanan ng Bucal Silangan

Directions

Kapisanan ng Bucal Silangan Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kapisanan ng Bucal Silangan, Youth Organization, Bucal East, Batangas City.

PASASALAMAT MULA SA YOUTH ASSOCIATION OF BUKAL EAST AT KAPISANAN NG BUKAL SILANGANIsang taos-pusong pasasalamat po ang a...
16/06/2026

PASASALAMAT MULA SA YOUTH ASSOCIATION OF BUKAL EAST AT KAPISANAN NG BUKAL SILANGAN

Isang taos-pusong pasasalamat po ang aming ipinapaabot sa lahat ng nakiisa, tumulong, at sumuporta upang maging matagumpay ang ating pagdiriwang ng Fiesta 2026 ng Bukal Silangan. Ang bawat ambag, oras, at suporta ninyo ay naging malaking bahagi upang maisakatuparan ang masaya at makabuluhang selebrasyon para sa ating komunidad.

Lubos po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong—pinansyal man, materyal, o serbisyo—lalo na sa mga nagbigay ng solicitation, nakiisa sa fundraising, at tumulong sa iba’t ibang paraan upang masuportahan ang mga aktibidad ng ating fiesta. Malaki po ang naging bahagi ninyo sa tagumpay ng ating programa.

Bagama’t hindi man tayo nagkaroon ng bonggang palabas ngayong taon dahil sa kasalukuyang kinahaharap na krisis ng ating bansa, kung kaya’t hindi hinihikayat ang mga magagarbong programa at selebrasyon, naging masaya at makabuluhan pa rin ang ating pagdiriwang. Sa pamamagitan ng mga palaro at iba’t ibang aktibidad, naipakita ng bawat isa ang tunay na diwa ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pakikiisa ng ating komunidad. Tunay ngang ang kasiyahan ay hindi nasusukat sa karangyaan, kundi sa samahang nabubuo at pagmamalasakit sa isa’t isa.

Taos-puso rin po kaming nagpapasalamat sa mga sponsor at katuwang na tumulong upang mas maging matagumpay ang ating selebrasyon. Gayundin po sa mga opisyal ng ating barangay, sa pangunguna ng ating mahal na Punong Barangay Hon. Aquilino Magnaye, kasama ang iba pang mga opisyal ng barangay, sa inyong suporta, pakikiisa, at presensya na nagbigay ng malaking ambag sa tagumpay ng ating programa.

Lubos din po kaming nagpapasalamat sa SK Bukal, sa pangunguna ni Hon. SK Chairman SK Marcus Castillo, kasama ang kanyang mga kapwa opisyal, sa kanilang suporta at ibinigay na tulong pinansyal upang makatulong sa pagsasakatuparan ng ating mga aktibidad. Ang inyong pakikiisa at malasakit para sa ating komunidad at kabataan ay tunay naming pinahahalagahan.

Hindi rin po namin malilimutan ang ating mga Barangay Tanod, na tumulong sa pagpapanatili ng kaayusan, seguridad, at maayos na daloy ng ating selebrasyon. Maraming salamat po sa inyong serbisyo at dedikasyon para sa kaligtasan ng bawat isa.

Gayundin, taos-puso rin po ang aming pasasalamat sa lahat ng volunteers, organizers, musikero, at mga tumulong sa paghahanda ng mga palaro, programa, at iba pang gawain na naging bahagi ng ating selebrasyon. Ang inyong oras, pagod, at dedikasyon ay tunay na nakatulong upang maging maayos at matagumpay ang ating pista.

Kalakip po sa post na ito ang detalyadong ulat ng pananalapi (financial report) — kabilang ang mga nakalap mula sa solicitation, iba pang pinagkunan ng pondo, at ang kabuuang gastusin para sa ating fiesta. Batay sa talaan, ang kabuuang nakolekta mula sa solicitation ay ₱59,880.00, habang ang kabuuang cash fund ay ₱154,579.00 at ang kabuuang gastos ay ₱91,466.00. Matapos ang lahat ng gastusin, ang natitirang pondo para sa taong 2026 ay ₱63,113.00, na magsisilbing panimulang pondo at paghahanda para sa mga susunod pang programa at selebrasyon ng ating komunidad.

Muli, maraming maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta, pagtutulungan, at pagmamahal sa ating Sitio. Ang tagumpay ng ating fiesta ay tagumpay ng buong Bukal Silangan. Nawa’y manatili ang pagkakaisa at bayanihan ng bawat isa para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Mabuhay ang Bukal Silangan! 🎉❤️

10/06/2026

Garne ang Fiesta saamin sa Bukal, Silangan!
Ay sa inyo ga?! Tingne are! 🎉

Videographer: Kimberly Najera Cagas
Edited by: Danniela Marie N. Cagas

Disclaimer: Music credits to the rightful owner. No copyright infringement intended.

SAGALA 2026✨
10/06/2026

SAGALA 2026✨

10/06/2026
Evening Games Winners✨😎
10/06/2026

Evening Games Winners✨😎

Morning Games Winners✨
10/06/2026

Morning Games Winners✨

06/06/2026

HAPPY FIESTA! BRGY. BUKAL, SITIO SILANGAN🥳

🎉 HAPPY FIESTA BRGY. BUKAL, SITIO SILANGAN! 🎉Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa ating pa...
06/06/2026

🎉 HAPPY FIESTA BRGY. BUKAL, SITIO SILANGAN! 🎉

Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa at makisaya sa ating pagdiriwang ng pista ngayong June 7, 2026. Narito po ang mga nakahandang programa:

🕘 9:00 AM – Holy Mass / Banal na Misa
🕥 10:30 AM – Games & Relays para sa lahat (sa harap ng Chapel)
🕒 3:00 PM – Procession / Prusisyon
🕖 7:00 PM – Palaro ng Lahi (Covered Court)

Halina’t magsama-sama tayo sa isang masaya at makabuluhang selebrasyon! Kita-kits po tayong lahat! 🎊

06/06/2026

🎉 𝗛𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗙𝗶𝗲𝘀𝘁𝗮, 𝗕𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴𝗮𝘆 𝗕𝘂𝗸𝗮𝗹! 🎉

May this celebration bring joy, unity, blessings, and prosperity to every family in our community. Let us come together in gratitude, faith, and camaraderie as we celebrate our beloved fiesta.

Greetings from the SK Bukal Council! 💚

Tapusan 2026Maraming salamat sa mga Kabataang Kapisanan ng Sitio Silangan sa matagumpay na pagsasagawa ng Tapusan 2026 b...
01/06/2026

Tapusan 2026

Maraming salamat sa mga Kabataang Kapisanan ng Sitio Silangan sa matagumpay na pagsasagawa ng Tapusan 2026 bilang pagtatapos ng pagdiriwang ng Flores de Mayo. Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga nakatatanda na gumabay at sumuporta upang maging maayos at matagumpay ang kaganapang ito.

Lubos din ang aming pasasalamat sa lahat ng taga-Sitio Silangan na nakiisa, nakilahok, at nagbigay ng kanilang oras at suporta upang maging makabuluhan ang pagdiriwang.

Mabuhay ang Sitio Silangan! Mabuhay tayong lahat! ❤️🎉🙏🌸

Address

Bucal East
Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapisanan ng Bucal Silangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share