30/07/2026
https://www.facebook.com/share/p/1Ba4njifX5/
Hindi kailanman kumikita ang mga electric cooperatives mula sa system loss charges.
Ipinababatid ng PHILRECA na ang mga electric cooperatives (ECs) ay mga non-stock, non-profit, at ang singil sa system loss ay isang pass-through cost lamang, na aprubado ng ERC sa ilalim ng EPIRA, upang ibayad sa mga power generators para sa kuryenteng nawawala habang dumaraan ito sa mga linya.
Ang technical system loss ay isang natural at hindi maiiwasang bahagi sa pagpapadala ng kuryente sa malalayong lugar, kung saan kadalasang nagsisilbi ang mga ECs. Ito ay operational cost, at kailanman ay hindi magiging karagdagang kita sa kanila.
Gayunpaman, handa kaming makipagtulungan sa mga lider ng bansa, mga regulator, at iba pang bahagi ng sektor para sa tunay, patas, at makataong solusyon upang protektahan ang ating mga konsumidores habang pinapanatiling buhay ang serbisyo at operasyon ng kuryente.