12/06/2025
Sa bawat pagwagayway ng watawat, alalahanin nating ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng tapang ng mga nauna, mula sa mga bayani’t karaniwang mamamayan na hindi natakot manindigan sa gitna ng dilim. Ang kalayaan ay hindi lamang alaala ng kahapon, kundi isang hamon sa kasalukuyan. Hamon na ipaglaban ang ating mga karapatan, lalo na sa panahong unti-unti itong kinakain ng kasinungalingan, pang-aabuso, at katiwalian. Sa bawat patak ng ulan at pag-ikot ng mundo, tayo’y tinatawag na maging tagapagtanggol, hindi ng dahas, kundi ng katotohanan; hindi ng kapangyarihan, kundi ng makatarungang pamamahala. Ang tunay na malaya ay hindi lamang nakatindig, itp'y mulat, kumikilos, at tumitindig para sa kapwa.
Sa Araw ng Kalayaan, muling buhayin ang diwang makabayan, at iwaksi ang katahimikang kinasanayan kung ang kabutihan ng nakararami ang nakataya. Kalayaan ang ating pamana—panagutan natin itong ingatan.
Maligayang Araw ng Kalayaan!
𝘚𝘦𝘳𝘣𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘢𝘬𝘪𝘣𝘢𝘵, 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘣𝘢𝘵𝘢𝘢𝘯.