07/09/2026
๐ฃ YOOHOO, DITO ANG TINGIN! ๐
Baka ikaw na ang hinahanap namin!
Ang Sangguninag Kabataan ng Tinga Labak ay naghahanap ng kwalipikadong kabataan na maaaring gumanap bilang SK Treasurer at tumulong sa maayos na bookkeeping, pagsasaayos ng financial records, at paghahanda ng mga dokumento para sa maayos at transparent na turnover bago matapos ang kasalukuyang termino.
Mahalagang paglilinaw: Ang panawagang ito ay para lamang sa kasalukuyang administrative needs ng konseho. Hindi ito bahagi ng anumang kampanya, political endorsement, o pagpili ng opisyal para sa susunod na termino. Ang aplikasyon at pagpili ay isasagawa alinsunod sa tamang proseso at umiiral na mga patakaran.
May Bookkeeping NC III Certification ka ba o nagtapos ng programang may kaugnayan sa bookkeeping? It might be you! โจ
Huwag mag-alala dahil gagabayan at tutulungan ka namin sa bawat hakbang. Hindi ka namin iiwan hanggang sa huling araw ng aming termino. Sama-sama nating titiyakin ang maayos, responsable, at transparent na paglilingkod para sa kabataan.
๐ฉ Interesado? I-message lamang ang official Facebook account ng Sangguniang Kabataan ng Tinga Labak para sa karagdagang impormasyon.