27/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐
Magandang araw po! Dahil sa kakulangan ng sapat na bilang ng mga nais makilahok at sa umiiral na pambansang energy emergency, malungkot na ipinababatid ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Santo Domingo na ipagpapaliban na muna ang SKSD Sports League 2026.
Ayon sa ulat ng mga miyembro ng SKSD na siyang nakatalaga sa paglilista ng nagnanais sumali, mula nang opisyal na umpisahan ng SKSD ang pagpapatala noong ika-26 ng Pebrero hanggang sa last call noong huling araw ng Marso ay mayroon lamang 23 manlalaro ang junior division, samantalang 48 lamang ang magiging manlalaro sa senior division.
Dagdag pa rito, inilabas ng pamahalaang panlungsod ang Executive Order No. 19, s. 2026, isang kautusang tagapagpaganap na naglalayong isulong ang pagtitipid ng enerhiya, fuel, at iba pang mahahalagang resources sa buong lungsod ng Batangas. Nililimitahan ng kautusang ito ang mga malakihang selebrasyon, barangay sports activities, at mga programang pang-gabi.
Kaya naman, sa ginanap na regular na sesyon ng sanggunian nitong ika-19 ng kasalukuyang buwan ay ginawang pinal ang desisyon na huwag na munang ituloy ang nasabing programa.
Nauunawaan ng SKSD ang kagustuhan ng ilan na maisakatuparan ang ligang ito, subalit mahalagang maintindihan ng lahat na ang bilang ng mga manlalaro, kasama ng iba pang kasalukuyang sitwasyon, ay importanteng konsiderasyon sa pagpapatuloy ng proyektong ito.
Para sa kabatiran ng lahat.