Sto. Niño NHS - Kabataang Pangarap ni Rizal

Directions

Sto. Niño NHS - Kabataang Pangarap ni Rizal Ito ang opisyal na page ng Samahang Kabataang Pangarap ni Rizal mula sa Sto. Niño NHS.

BEST OF LUCK, SNNHS JOURNALISTS! ✨Mula sa buong pamilya ng Sto. Niño NHS - KAPARIZ, buong pagmamalaki at suporta ang hat...
03/09/2026

BEST OF LUCK, SNNHS JOURNALISTS! ✨

Mula sa buong pamilya ng Sto. Niño NHS - KAPARIZ, buong pagmamalaki at suporta ang hatid namin sa ating mga batang mamamahayag ng ANG HARAYA na kalahok sa 2026 District 5 & 7 Clustered Press Conference! 🖊️📸

Dalhin ninyo ang inyong husay, tapang, talino, at malasakit sa pamamahayag. Ibahagi ang katotohanan, isulat ang makabuluhang kuwento, at hayaang maging tinig kayo ng kabataan. 📝💙

🌟 Best of luck, ANG HARAYA!
Fly high, SNNHS Journalists! 🦅📰






KAPARIZ, KASAMA SA PAGPAPANATILI NG MALINIS NA PAARALAN! 🌿🧹Ngayong Agosto 28, 2026, buong siglang nakiisa ang KAPARIZ Cl...
27/08/2026

KAPARIZ, KASAMA SA PAGPAPANATILI NG MALINIS NA PAARALAN! 🌿🧹

Ngayong Agosto 28, 2026, buong siglang nakiisa ang KAPARIZ Club sa isinagawang Clean-Up Drive sa pangunguna ng YES-O.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, ipinakita ng ating mga mag-aaral na ang pagpapanatili ng kalinisan ay hindi lamang tungkulin kundi isang pananagutan at pagpapakita ng pagmamahal sa paaralan at kalikasan. 💚

Sama-sama sa pagkilos, sama-sama para sa malinis, ligtas, at mas luntiang paaralan!

Maligayang Kaarawan, VP Greg Ivan Marasigan! 🥳Nawa'y ang araw na ito ay maging daan upang maramdaman mo na espesyal ka a...
20/08/2026

Maligayang Kaarawan, VP Greg Ivan Marasigan! 🥳

Nawa'y ang araw na ito ay maging daan upang maramdaman mo na espesyal ka at kamahal-mahal. Sa aming VP, salamat sa iyong ipinamalas at patuloy na ipinakikitang kasipagan at pagmamalasakit sa kapwa mo KAPARIZ. Patuloy kang maging inspirasyon bilang may haplos-personal na lider at matatag na mamamahayag. Hangad namin ang kasiyahan at tagumpay mo sa araw-araw.

20/08/2026

Gawain sa Filipino 7:
Tauhan bilang Puppet 👏🏻

Filipino 10: Mga Paskin sa FacebookGising ang mga kabataang Pilipino sa walang katapusang isyu ng ating lipunan! Katulad...
20/08/2026

Filipino 10: Mga Paskin sa Facebook

Gising ang mga kabataang Pilipino sa walang katapusang isyu ng ating lipunan! Katulad ng mga pasking tampok sa nobelang El Filibusterismo, pagbabago ang hangad ng bawat kabataan. 📣🇵🇭

Disclaimer: Ito ay bahagi ng gawain at awtput ng mga mag-aaral sa Filipino 10.

Huli man, naihahabol din! 🎂💐Mula sa KAPARIZ CLUB, Maligayang Kaarawan, Kim Haylee Ebora!🥳 Nawa’y naging masaya ang iyong...
18/08/2026

Huli man, naihahabol din! 🎂💐

Mula sa KAPARIZ CLUB, Maligayang Kaarawan, Kim Haylee Ebora!🥳 Nawa’y naging masaya ang iyong kaarawan at patuloy kang pagpalain ng kalusugan, tagumpay, at masayang puso. 💖

Happy Birthday, President Kim! 🎉

WIKA, KULTURA, AT MAKABAGONG KARUNUNGAN: SAMA-SAMANG IPAGDIWANG! 🇵🇭💙💛Ngayong Buwan ng Wika 2026, pinagyayaman ng Mataas ...
14/08/2026

WIKA, KULTURA, AT MAKABAGONG KARUNUNGAN: SAMA-SAMANG IPAGDIWANG! 🇵🇭💙💛

Ngayong Buwan ng Wika 2026, pinagyayaman ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Niño ang pagmamahal sa wikang Filipino sa pamamagitan ng mga gawaing nag-uugnay sa wika, kultura, pananaliksik, teknolohiya, pagkamalikhain, at responsableng paggamit ng Artificial Intelligence.

Sa temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” sama-sama nating patunayan na ang wika ay hindi lamang daluyan ng komunikasyon—ito ay salamin ng ating kultura, pagkakakilanlan, at daan tungo sa makabuluhang kaalaman.

Mula sa Filipino Word Heritage Day, Music and Filipino, Quiz Bee, Filipino Fact Check, Talasalitaan Challenge, Pader ng Pagninilay, hanggang sa Radyo Drama, bawat gawain ay pagkakataon upang matuto, lumikha, magsuri, at higit pang pahalagahan ang sariling wika. 🇵🇭✨

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang kabataang Pilipinong mapanuri, malikhain, at makabago!






07/07/2026
Kami, ang mga kasapi ng Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) Club ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Niño, na pina...
21/06/2026

Kami, ang mga kasapi ng Kabataang Pangarap ni Rizal (KAPARIZ) Club ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Niño, na pinaniniwalaan ang mga prinsipyo at adhikain ng ating pambansang bayani na si Dr. José P. Rizal, ay nagkakaisa upang paunlarin ang aming kakayahan, katalinuhan, disiplina, at pagmamahal sa bayan.

-2027

Address

Batangas City

Opening Hours

Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño NHS - Kabataang Pangarap ni Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share