03/08/2026
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na naisakatuparan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Concepcion ang Health Education Seminar na ginanap sa Natalia V. Ramos Memorial Integrated School.
Sa pakikipagtulungan ng Batangas City Health Office, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga kabataan na makilahok sa mga makabuluhang talakayan na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman at kamalayan hinggil sa mahahalagang usaping pangkalusugan.
π HEALTH EDUCATION SEMINAR
β’ Mental Health and Stress Management
β’ HIV and AIDS Awareness
β’ Teenage Pregnancy Prevention
β’ Adolescent Health and Development
β’ Nutrition and Healthy Living
Layunin ng programang ito na mahubog ang mga kabataan na maging mas responsable, may sapat na kaalaman, at handang gumawa ng mga tamang desisyon para sa kanilang kalusugan at kinabukasan. Sa pamamagitan ng ganitong mga inisyatiba, patuloy na isinusulong ang kahalagahan ng edukasyong pangkalusugan bilang pundasyon ng isang ligtas, malusog, at produktibong komunidad.
Taos-pusong pasasalamat sa Batangas City Health Office, sa pamunuan ng Natalia V. Ramos Memorial Integrated School, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng programang ito. Nawa'y magpatuloy ang ating sama-samang pagkilos para sa kapakanan at mas maliwanag na kinabukasan ng kabataang Concepcion.