26/10/2023
BUMANGON, SUMIKLAB, MAGING BOSES NG KABATAAN!
Magandang araw mga kapwa ko kabataan! Ako po ang inyong lingkod Trisha C. Ante mula sa SINAG: The NEW ERA ng TEAM CNOY na kumakandidato bilang SK Chairman ng ating Barangay Tinga Labac na nag nanais ng iisang mithiin at ito ay ang pakinggan ang bawat kabataan, maging boses tungo sa kaunlaran at maging isang magandang ehemplo para sa hinangad na magandang pagbabago. Bilang isang kabataan na may paninidigan at may adhikain na maingat ang karapatan ng bawat kabataan minarapat po ng SINAG: The NEW ERA na gawing sandigan ang SDG o sustainable development Goal na naglalayong bigyang solusyon ang mga problema o kakulangan sa kasalukuyang panahon.
Para po sa patuloy na pag-unlad, ang una sa aking programa ay pangkalusagan o SDG 3 Good health and well being na kung saan ay naglalayong bigyang pansin ang kalusugan ng bawat kabataan. Kapag may malusog na pangangatawan tiyak na magiging produktibo ang bawat kabataan. Ilan sa programa na aking ilulunsad ay ang Free Check Up para sa mga kabataan partikular sa mga nararanasang sakit tulad na lamang sa mata, hypertension and diabetes. Magkakaroon din ng libreng vitamins, first aid kit at mga gamot para sa bawat kabataan ng Barangay Tinga labac, asahan po ninyong wala kaming pipiliin dahil lahat tayo ay may pare parehong karapatan at mithiin.
Bilang isang g**o sa hinaharap, bibigyang pansin ko rin ang SDG 4 Quality education na kung saan kaagapay ninyo kame sa pagkakaroon ng sapat na dunong para sa isang magandang hinaharap. Maglulunsad ako ng mga tutorial session, libreng school supplies kada dalwang buwan, team building,bible camp, leadership training, socialization activities, seminars and workshops, at proyekto para sa mga kabataang hindi nakakapag aral o out of school youth. Tayong lahat ay may karapatan na mag aral sapagkat ito ay kayamanan na dapat taglayin ng bawat isa. Higit sa lahat ang hindi maaring malimutan ang SK Scholarship kaya namab sama sama nating abutin ang ating mga pangarap sa buhay.
Dagdag pa sa lahat ng programa, hinding hindi ko malilimutan ang pantay na karapatan ng bawat isa sa kabila ng kanilang kasarian! Tayong lahat ay dapat may pantay pantay na pagtingin at trato sa bawat isa kaya bilang isang kabataan paggalang ay ipagkaloob natin sa bawat isa. Para sa sdg number 5 gender equality ilulunsad ko ang programa tulad ng LGBTQ+ seminars, socialization at team building.
Tayo rin bilang kabataan ay dapat maging maabilidad sa lahat ng oras. Kaya naman isinama ko rin ang sdg number 8 decent work and economic growth kung saan ang mga kabataan bibigayan ng pagkakataon na matuto ng iba't ibang legal na trabaho na maari ding ibahagi sa kanilang mga magulang. Kasama rito ang manicure and pedicure workshop, first aid worshop, beauty care workshop, agriculture, fishery and cookery workshop. Kaya naman mga kabataan gamitin natin ang talino, galing at lakas nating mga kabataan sa larangan ng ibat ibang trabaho na maari nating pagkakitaan.
Ang huli sa aking adbokasiya ay ang SDG 13 climate action. Kabataan tayo ang pag asa ng bayan kaya naman sama sama tayong kumilos upang mailigtas ang ating kapaligiran sa patuloy nitong pagkawasak kaya naman ang ilan sa mga programa na kalakip nito ay ang buwang paglilinis ng bawat sk at kabataan sa bawa sitio, tree planting program, at ibat ibang mga seminar upang mas mapalawak ang kaalaman at pukawin ang kamalayan ng bawat kabataan na ang kapaligiran ay dapat pag ingatan sapagkat ito ay biyaya ng poong may kapal.
Kaya sa halalang ito huwag po ninyong kakalimutan "TRISHA ANTE" para SK Chairman! Sama sama tayong uunlad, magtatagumpay tungo sa iisang mithiin at layunin. Lagi nating tandaan nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa! Maraming Salamat po!