29/07/2026
๐๐๐ก๐๐๐ข ๐ก๐ ๐๐๐๐๐ง๐๐๐ก ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
"๐๐ข๐ฃ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ฌ๐ต๐ช๐ฃ๐ฐ, ๐๐ช๐ฅ๐ฆ๐ณ ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ"
๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ! Isang panibagong yugto ang magsisimula sa kaharian ng Bolbok, kung saan ang tapang, karunungan, pagkakaisa, at pamumuno ng kabataan ang magiging tunay na kapangyarihan.
Mula ๐๐๐ด๐๐๐ ๐ญ๐ฑ ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ด๐๐๐ ๐ฏ๐ญ, muling bubuksan ng Barangay Bolbok ang pintuan patungo sa isang makulay na mundo na hango sa Encantadia, kung saan bawat kabataang Bolbokeรฑo ay tatahakin ang landas ng isang Sang'greโisang pinunong may puso, dangal, at malasakit sa kapwa.
Sa loob ng mahigit dalawang linggo, haharapin ninyo ang ibaโt ibang misyon, pagsubok, at mga hamon na susubok hindi lamang sa inyong husay at talento, kundi maging sa inyong katapatan, disiplina, at pagkakaisa. Tulad ng mga tagapag-ingat ng mga brilyante ng Encantadia, taglay ng bawat kabataan ang natatanging lakas na may kakayahang magbigay-liwanag, pag-asa, at pagbabago sa ating komunidad.
Sa huling yugto ng ating paglalakbay, sino ang magiging karapat-dapat na magtaglay ng karangalan at tanghaling ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐น๐น ๐๐ต๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ๐ผ๐ป ng Linggo ng Kabataan 2026?
Tipunin ang inyong mga kaharian. Tawagin ang inyong mga kaanib. Hawakan ang inyong mga Brilyante, at hayaang manaig ang liwanag ng kabutihan. Sa patnubay ni Bathalang Emre, patutunayan nating ang tunay na kapangyarihan ay hindi nagmumula sa mahika, kundi sa mga kabataang handang manguna, maglingkod, at maging Lider ng Makabagong Pagbabago.
๐ผ๐ฃ๐๐๐ฉ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐ ๐๐จ๐๐ฃ, ๐๐๐ฃ๐๐๐๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐๐๐ฃ.