07/11/2024
TINGNAN: Sa tulong ng Task Force Children of the Storm, Gabriela Women's Party, Association for the Rights of Children in South East Asia (ARCSEA), Salinlahi Alliance for Children's Concerns, Children's Rehabilitation Center, Parents Alternative on Early Childhood Care and Development, Inc., Batibot Early Learning Center, Salinlahi Youth, CRC Children's Collective, Sugarfolks' Unity for Genuine Agricultural Reform, at Kap. John Mahinay ng Mataas na Bayan, Lemery--tagumpay na nakapagsagawa ng relief distribution ang Tulungan Lingap Batangan - Youth Movement sa mga bayan ng Cuenca at Lemery noong ika-5 ng Nobyembre 2024.
Sa operasyong ito, nakapagpamahagi ng 40 relief packs sa Cuenca Evacuation Center at 76 relief packs sa Dona Mathilde Elementary School na siyang pansamantalang evacuation center ng mga lubhang naapektuhan ng bagyo.
Matatandaang isa ang lalawigan ng Batangas sa mga nagtamo ng pinakamalalang pinsala sa paghagupit ng Bagyong Kristine noong nagdaang uwan ng Oktubre. Direktang naapektuhan nito ang libo-libong bahayan at pampublikong establisyemento, produksiyon ng mga pananim, pati ang lokal na pangingisda na siyang pangunahing kabuhayan ng mga residente sa mga nasabing lugar.
Bukas ang TLB - YM para sa mga nais magpaabot ng tulong donasyon man o pagbo-boluntir. Para sa mga karagdagang detalye, maaaring magmensahe sa social media pages ng TLB - YM.