29/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐
Balangay.
Ang balangay ay sinaunang sasakyang-dagat na ginamit ng ating mga ninuno sa paglalakbay at pakikipag-ugnayan sa ibaโt ibang pamayanan. Maliit man kung ihahambing sa mga sasakyang-dagat ngayon, malaki naman ang iniwan nitong kuwento sa ating mga Pilipino, sapagkat patunay ito na noon pa man, likas na sa atin ang kakayahang maglakbay at makipag-ugnayan.
Ngunit ngayong 2026, muling naglayag ang balangay, hindi sa dagat, kundi bilang simbolo ng ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐.
Ngayong taon, ang Pilipinas ang nagsisilbing tagapangulo ng ASEAN, isang samahan ng labing-isang bansa sa Timog-Silangang Asya na kinabibilangan ng Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Vietnam, at Timor-Leste. Sa ilalim ng temang โ๐๐๐ซ๐๐๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐ง ๐๐ช๐ฉ๐ช๐ง๐, ๐๐ค๐๐๐ฉ๐๐๐ง,โ pinangungunahan ng Pilipinas ang samahan sa pagsusulong ng ๐ ๐๐ฅ๐๐ฎ๐๐ฅ๐๐๐ฃ ๐๐ฉ ๐จ๐๐๐ช๐ง๐๐๐๐, ๐ ๐๐ช๐ฃ๐ก๐๐ง๐๐ฃ, at ๐ฅ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ฎ-๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฎ๐๐ง๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ข๐๐ข๐๐ข๐๐ฎ๐๐ฃ.
At hindi lamang sa mga pagpupulong mararamdaman ang pagiging tagapangulo ng Pilipinas. Sa buong taon, ibaโt ibang pagpupulong at aktibidad ang isinasagawa sa mga lugar tulad ng Manila, Cebu, Bohol, Boracay, at Tagaytay, na nagbibigay rin ng pagkakataong maipakita sa ating mga karatig-bansa ang ibaโt ibang mukha ng Pilipinas.
Mula sa balangay ng ating mga ninuno hanggang sa ASEAN ng kasalukuyan, patuloy nitong sinasalamin ang hangaring magpatuloy sa pagsulong bilang isa, sa kabila ng ating pagkakaiba. Tulad ng mga bansang sakay ng iisang balangay, magkakaiba man ang ating pinagmulan, maaari pa rin tayong magsabay sa paglalakbay tungo sa iisang kinabukasan.
Isinaayos ni: Hannah Clyde Louise Bathan | Visual Comm 2
Sulat ni: Janna Mariella Sandoval | Editor-in-Chief