01/05/2026
๐ ๐๐ฌ๐ข ๐จ๐ก๐ข: ๐๐ฅ๐๐ช ๐ก๐ ๐ ๐๐ ๐ ๐๐ก๐๐๐๐๐๐ช๐ โ๐ฝ๐ต๐ญ
Sa bawat pawis at pagod ng uring manggagawa nakasalalay ang patuloy na pag-usad ng ating lipunan. Sila ang haligi ng ekonomiyaโtahimik ngunit matatag na bumubuhay sa bawat tahanan at komunidad sa buong bansa.
Sa gitna ng patuloy na krisis na nararanasan ng bansa, lalong bumibigat ang pasanin ng mga manggagawaโmula sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin hanggang sa kitang hindi na sapat para sa disenteng pamumuhay. Sa ganitong kalagayan, mas pinaiigting natin ang ating panawagan at nakikiisa sa agarang pagtaas ng sahod upang maibsan ang kanilang paghihirap at maitaguyod ang kanilang dignidad.
Bilang kabataan at bahagi ng akademikong komunidad, naninindigan tayo sa pagsusulong ng lipunang nagbibigay halaga sa paggawaโkung saan ang katarungan, sapat na kabuhayan, at karapatang pantao ay tunay na naipapatupad at hindi ipinagkakait.
Mabuhay ang uring manggagawa!