21/09/2026
Nakikiramay ang Damayan sa Taal Taalan at ang buong Sitio ng Taal Taalan sa pagpanaw ng ating minamahal na si Evelyn M. Perez (Belen).
Sa gitna ng matinding kalungkutan ang ating puso ay kasama ng kanyang pamilya, mga kaibigan, at lahat ng nakapaligid sa kanya. Nawa'y pagkalooban sila, kapanatagan at pag-asa habang-ginugunita natin ang magandang alaala at buhay na iniwan ni Belen.
Sa oras ng pagluluksa, nawa'y magsilbing liwanag ang ating pagkakaisa at pagmamahalan bilang sitio, at maging inspirasyon ang kanyang buhay sa patuloy nating pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa.