16/08/2026
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ก๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ซ๐จ๐ง, ๐๐๐ง ๐๐จ๐ช๐ฎ๐!
Buong galak, pagkakaisa, at matibay na pananampalataya nating ipinagdiriwang ang dakilang kapistahan ng ating mahal na patron at huwaran ng malasakit sa mga maysakit at nangangailangan, Poong San Roque.
Sa banal na pagdiriwang na ito, ating pasalamatan ang Poong Maykapal sa lahat ng biyaya, paggabay, at pagpapalang patuloy Niyang ipinagkakaloob sa ating mga pamilya at pamayanan.
Nawaโy sa pamamagitan ng panalangin at pamamagitan ni Poong San Roque, patuloy tayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, kaligtasan, kapayapaan, at lakas upang harapin ang bawat pagsubok ng buhay.
Nawaโy magsilbing huwaran sa atin ang kanyang buhay ng matatag na pananampalataya, kababaang-loob, paglilingkod, at malasakit sa kapwa. Hinihikayat tayo ng kanyang halimbawa na patuloy na mamuhay sa pag-ibig sa Diyos at sa ating kapwa, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng ating tulong at pagkalinga.
Sa araw na ito, nawaโy higit pang pag-isahin ng ating pananampalataya ang bawat isa at maging daan upang patuloy nating mapalalim ang ating ugnayan sa Diyos at sa ating pamayanan.
Poong San Roque, aming Patron at tagapamagitan, ipanalangin mo kami at ang aming mga pamilya.
๐๐ข๐ฏ๐ ๐๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง ๐๐จ๐ช๐ฎ๐! ๐๐ป