17/08/2024
FEMSHS niyanig nang malakas na sigawan at halakhakan sa Laro ng Lahi 2024.
Jezmine Fiona Mae O. Seggay
Dinumog kahapon Agosto 16, ang pinakaaabangang "Laro ng Lahi" sa Ferdinand E. Marcos Senior High School bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika at Kasaysayan. Sa pangunguna ng Kapisanang Inang Wika, sama-samang nakilahok ang lahat ng mag-aaral ng paaralan, na nagpakitang-gilas sa iba't ibang tradisyonal o katutubong larong Pilipino.π€π΅π
Namayagpag ang Grade 12 Piety sa Kadang-Kadang sa Bao, kung saan sila ang hinirang na kampeyon, samantalang ang Grade 11 Honor ang nagkamit ng pangalawang puwesto. Sa Kadang-Kadang sa Kawayan, muling nasungkit ng Grade 12 Piety ang kampeyonato, kasunod ang Grade 11 Humility.
Sa karerang sako, nakuha ng Grade 11 Honesty ang kampeyonato sa kategorya ng mga lalaki, pumangalawa ang Grade 12 Piety. Para naman sa kategorya ng mga babae, ang Grade 12 Barba ang naging kampeyon laban sa Grade 11 Umali. Sa Basag Palayok, ipinakita nina Christian Julius Macugay ng 11 Honor at Darryl Rosario ng 11 Fe Del Mundo ang kanilang husay at lakas sa pagbasag ng palayok.πͺπ
Bukod sa mga larong pisikal, ipinakita rin ng mga mag-aaral ang kanilang talino sa ibaβt ibang larangan tulad ng Isipantasya: Pagsulat ng Sanaysay at Tula na ginanap noong Agosto 13-14, 2024, kung saan labindalawang estudyante ang nagpakitang-gilas at inilabas ang pagiging malikhain. Noong Agosto 15, 2024 naman ay ginanap ang KIWizbee, itoβy tagisan ng talino na sinalihan ng labingdalawang koponan. Sa huli, nagwagi ang grupo ng 12 Patience, 12 Peace, at 11 Honor sa iba't ibang kategorya, kabilang na ang mas pinahirapang Electric Chair round.β‘π
Hindi lamang ang mga ito ang aktibidad para sa buwan ng Agosto, kung kayaβt hinihikayat ang lahat ng estudyante na patuloy na tangkilikin at abangan ang mga susunod pang aktibidad na magbibigay-daan upang higit pang mapalalim ang kanilang pagkilala sa kulturang Pilipino at pagkakaisa ng komunidad ng FEMSHS.π«π«