02/07/2024
SA PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay sumusuporta sa ika-50 taong pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, na may temang "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!"
Tuon ng pagdiriwang ngayong taon ang kahalagahan nang Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 at ang pagkakaroon nito ng matibay na suporta mula sa iba’t ibang lebel ng sektor upang maisakatuparan ang layunin nitong masugpo ang lahat ng uri ng malnutrisyon sa ating bansa.
Sa pagtataguyod ng 2024 Nutrition Month campaign, inaanyayahan ng DepEd ang mga Regional at Schools Division Offices, kabilang ang mga paaralan na makiisa at magbigay ng kanilang suporta para sa PPAN.
Kaya’t mga ka-Deped, halina't makiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon ngayong Hulyo para sa mas malusog na kinabukasan ng lahat, lalo na nang ating mga mag-aaral!
Tumutok sa DepEd Philippines page para sa updates kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon.