Young Farmers Association, Sampaloc, Quezon

Young Farmers Association, Sampaloc, Quezon Vegetable Production

๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—–๐—›๐—œ๐—–๐—ž๐—˜๐—ก, ๐—ก๐—˜๐—ง & ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—จ๐—  ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐— ๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š ๐—™๐—”๐—ฅ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐ŸŒฑ๐Ÿ”S...
15/06/2026

๐—๐—จ๐—ก๐—˜ ๐Ÿญ๐Ÿฑ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ | ๐——๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—œ๐—•๐—จ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ข๐—™ ๐—ก๐—”๐—ง๐—œ๐—ฉ๐—˜ ๐—–๐—›๐—œ๐—–๐—ž๐—˜๐—ก, ๐—ก๐—˜๐—ง & ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—–๐—œ๐—จ๐—  ๐—™๐—ข๐—ฅ ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—ค๐—จ๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—™๐—œ๐—˜๐—— ๐— ๐—˜๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—ข๐—™ ๐—ฌ๐—ข๐—จ๐—ก๐—š ๐—™๐—”๐—ฅ๐— ๐—˜๐—ฅ๐—ฆ ๐—”๐—ฆ๐—ฆ๐—ข๐—–๐—œ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐ŸŒฑ๐Ÿ”

Sa pakikipagtulungan ng Office of the Municipal Agriculture sa pangunguna ni OIC-MAO Admin Andrew Anareta, katuwang si YFA Coordinator Dharen Barela, at ng Young Farmers Federation sa pangunguna ni YFA President Merk Ariestotle Natanauan, matagumpay na isinagawa ang pamamahagi ng mga ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฐ๐—ธ๐—ฒ๐—ป, ๐—ก๐—ฒ๐˜, at ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฐ๐—ถ๐˜‚๐—บ para sa mga kwalipikadong miyembro ng Young Farmers Association (YFA).

Layunin ng programang ito na mabigyan ng panimulang kabuhayan ang mga kabataang magsasaka sa pamamagitan ng livestock assistance na makatutulong sa paglinang ng kanilang kakayahan sa agrikultura at paglikha ng sustainable income opportunities. Ang mga ipinamahaging native chicken ay inaasahang magsisilbing puhunan ng mga benepisyaryo tungo sa mas produktibo at mas maunlad na kabuhayan.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng livelihood program ng samahan na naglalayong hikayatin ang mas aktibong partisipasyon ng kabataan sa sektor ng agrikultura at palakasin ang kanilang kakayahan sa responsableng pag-aalaga at pamamahala ng mga alagang hayop.

Lubos na pasasalamat ang aming ipinapaabot sa Lokal na Pamahalaan ng Sampaloc sa pamumuno ni Mayor Nikko Devanadera at Vice Mayor Bunay Villeno, gayundin sa Office of the Municipal Agriculture sa pamumuno ni Admin Andrew Anareta, sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa pagpapaunlad ng kabataang magsasaka.

Sama-sama para sa mas maunlad, mas produktibo, at mas makabagong agrikultura para sa kabataan! ๐ŸŒฑ๐Ÿ”



๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’ | ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž & ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ฒ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸŒพMatagumpay na nagsagawa ng halalan ang Municipal Agri...
22/05/2026

๐ˆ๐ ๐๐‡๐Ž๐“๐Ž๐’ | ๐Œ๐ฎ๐ง๐ข๐œ๐ข๐ฉ๐š๐ฅ ๐€๐ ๐ซ๐ข๐œ๐ฎ๐ฅ๐ญ๐ฎ๐ซ๐ž & ๐…๐ข๐ฌ๐ก๐ž๐ซ๐ฒ ๐‚๐จ๐ฎ๐ง๐œ๐ข๐ฅ ๐„๐ฅ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ” ๐ŸŒพ

Matagumpay na nagsagawa ng halalan ang Municipal Agriculture & Fishery Council (MAFC) nitong Mayo 21, 2026 sa Conference Room ng Sampaloc Municipal Building upang pumili ng mga bagong mamumuno at opisyal ng samahan.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng executive committee ng ibaโ€™t ibang organisasyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, kabilang ang mga kinatawan ng samahan ng mga magsasaka at mangingisda, pati na rin ang pangulo ng Young Farmers Association (YFA).

Sa isinagawang eleksyon, nahalal bilang Auditor ng konseho ang Pangulo ng Young Farmers Association na si Merk Ariestotle A. Natanauan. Samantala, inihalal naman bilang bagong Pangulo o Chairman ng samahan si G. Ivan Diasanta.

Naging panauhin at tagamasid din sa naturang aktibidad ang mga kinatawan mula sa COMELEC at DILG, na nagbigay ng suporta upang matiyak ang maayos, malinis, at demokratikong proseso ng halalan.

Patuloy na nagsisilbing katuwang ang MAFC sa pagsusulong ng mga programang makapagpapalakas sa sektor ng agrikultura at pangisdaan sa bayan ng Sampaloc. ๐ŸŒพ๐ŸŸ




IN PHOTOS | Nagsagawa ang Quezon Young Farmers Federation ng kanilang 1st Special Meeting via Google Meet noong April 14...
15/04/2026

IN PHOTOS | Nagsagawa ang Quezon Young Farmers Federation ng kanilang 1st Special Meeting via Google Meet noong April 14, 2025.

Tinalakay sa pulong ang mga mahahalagang usapin tulad ng pagpapatupad ng online meetings, pagbuo ng mga patakaran para sa mga aktibidad, pagtatatag ng Social Media Committee, at paghahanda para sa 12th Regional Farm Youth Summit.

Patuloy ang pagkilos para sa mas organisado at mas pinalakas na samahan ng kabataang magsasaka. ๐ŸŒพ


Address

Bataan
4329

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Young Farmers Association, Sampaloc, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share