This annual benefit project is dedicated to the underprivileged children of Barcelona Sorsogon, our Supelana family's hometown. Every year, children selected from the public schools of Barcelona enjoy a happy celebration with us and goes home with new school bags and supplies. This is our simple way to show them inspiration and support in finishing their education and achieving their dreams. This
is a private effort, run by our family and close friends, with the volunteerism of generous public school teachers of Barcelona. We use our personal funds and resources. We welcome donations but we do not engage in solicitations of any form. We do not have any personal, business or political motive. Pure and joyful intentions only. You can show support for our cause by visiting our page, sharing our stories, and replicating our happy project in your community if you can. For related posts please tag . Thank you and strive to be HAPPY!
***
Ang taunang proyektong ito ay nakalaan para sa mga kapus palad na kabataan ng Barcelona Sorsogon, ang bayan ng aming pamilya Supelana. Bawat taon, ang mga piling mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Barcelona ay nakakasama ng aming pamilya sa isang masayang selebrasyon, at nag-uuwi ng bagong bag at mga gamit pang-eskwela. Ito ay ang aming simpleng paraan upang magbigay inspirasyon at suporta sa mga kabataang nais makatapos ng pag-aaral at makamit ang kanilang pangarap. Ito ay isang pribadong kaganapan na pinagtutulungan ng aming pamilya at mga kaibigan, kasama ang ilang volunteer public school teachers ng Barcelona. Hindi kami bahagi ng mga organisasyon sa gobyerno. Ang mga pera at gamit ay galing sa aming sariling bulsa. Malugod naming tinatanggap ang mga donasyon ngunit hindi kami nagsosolicit sa kahit na anong paraan. Walang halong motibong personal, pangkabuhayan o pang-politika ang proyektong ito. Pawang malinis at maligayang intensyon lamang. Maaari kang magbigay suporta sa aming layunin sa pamamagitan ng pagbisita sa aming pahina, pagbabahagi ng aming mga kwento, at paggawa ng isa ring masayang proyekto sa iyong komunidad sa abot ng iyong kakayahan. Para sa mga posts, gamitin ang . Maraming salamat at maging HAPPY tayong lahat!