Senior Scouts of Baras-Pinugay Phase 2 NHS

Senior Scouts of Baras-Pinugay Phase 2 NHS Senior Scout | Outfit 402 โ€“ BPP2NHS
Open for collaborations, projects, or promotions
๐Ÿ“ฉ Just send an email: [email protected]

Maligayang Buwan ng Kababaihan, taong 2026! ๐Ÿ’œโœจ๏ธSa buwan na ito, ating alalahanin at pasalamatan ang bawat babae na nagin...
28/02/2026

Maligayang Buwan ng Kababaihan, taong 2026! ๐Ÿ’œโœจ๏ธ

Sa buwan na ito, ating alalahanin at pasalamatan ang bawat babae na naging ilaw at inspirasyon sa ating buhayโ€”mga nanay, kapatid, kaibigan, kasama, at public figures. Ang inyong pagmamahal, dedikasyon, at malasakit ay nagbibigay ng kulay at saysay sa ating araw-araw na pamumuhay. Kayo ay mahalaga, hindi lang ngayong buwan kundi sa bawat araw ng taon. Salamat sa inyong walang sawang pag-aaruga at paglilingkod.




Sama-samang pagkilos ng Prime Scouts para sa kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Sa simpleng pagwawalis at paglilin...
10/01/2026

Sama-samang pagkilos ng Prime Scouts para sa kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Sa simpleng pagwawalis at paglilinis, ipinapakita namin ang disiplina, malasakit, at responsibilidad bilang mga scout at mag-aaral. Ang malinis na paaralan ay hindi lamang kaaya-aya sa paningin, kundi isang lugar na mas ligtas at mas mainam para sa pagkatuto ng lahat. Prime Scouts, laging handa maglingkod, sa loob ng paaralan.
๐Ÿซก





Matagumpay na naisagawa ang unang flag retreat ng taong 2026 sa ating paaralan bilang pagpapakita ng paggalang sa ating ...
10/01/2026

Matagumpay na naisagawa ang unang flag retreat ng taong 2026 sa ating paaralan bilang pagpapakita ng paggalang sa ating pambansang bandila at sa bayan. Sa pamamagitan ng maayos at disiplinadong seremonya, muling naipamalas ng mga Prime Scout ang kahalagahan ng disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa. Ang ganitong gawain ay patuloy na humuhubog sa pagiging responsableng mamamayan ng bawat mag-aaral.





Maligayang Pasko! ๐ŸŽ„๐ŸŽNgayong Pasko, nawaโ€™y maramdaman ng bawat isa ang saya, kapayapaan, at pagmamahal sa ating mga tahan...
24/12/2025

Maligayang Pasko! ๐ŸŽ„๐ŸŽ

Ngayong Pasko, nawaโ€™y maramdaman ng bawat isa ang saya, kapayapaan, at pagmamahal sa ating mga tahanan at komunidad. Ipagdiwang natin ang araw na ito kasama ang pamilya at mga kaibigan, at huwag kalimutan ang diwa ng pagiging Scout na handang tumulong at maglingkod. Sa maliliit na paraan, patuloy tayong gumawa ng mabuti at magbahagi ng ngiti sa kapwa. Magandang Pasko sa ating lahat at nawaโ€™y maging ligtas at masaya ang selebrasyon ng bawat isa.



Sama-samang pagtatapos ng taong Dalawang libo dalawampu't lima (2025). Isang araw ng kasiyahan at simpleng saya ang amin...
21/12/2025

Sama-samang pagtatapos ng taong Dalawang libo dalawampu't lima (2025).

Isang araw ng kasiyahan at simpleng saya ang aming Year-End Scout Party. Nagtipon-tipon kami upang ipagdiwang ang lahat ng pinagdaanan at natutunan sa buong taon. Sa bawat tawanan, kwentuhan, at salo-salo, mas pinagtibay ang samahan at pagkakaibigan ng bawat isa. Hindi man engrande ang selebrasyon, ngunit puno ito ng kahulugan dahil mayroong pagkakaisa, pagtutulungan, at respeto sa isaโ€™t isa. Isang paalala na bilang mga Scout, mas nagiging makabuluhan ang bawat karanasan kapag ito ay pinagsasaluhan.




๐Ÿ“ž Laging Handa, Ligtas ang Baras! ๐ŸšจNgayon na madalas ang lindol at malalakas na bagyo, mahalagang alam natin kung saan h...
09/11/2025

๐Ÿ“ž Laging Handa, Ligtas ang Baras! ๐Ÿšจ

Ngayon na madalas ang lindol at malalakas na bagyo, mahalagang alam natin kung saan hihingi ng tulong.
Itabi at tandaan ang mga emergency number ng ating lugar para makatawag agad kung may sakuna o aksidente.
Huwag mag-panic, tumawag agad sa tamang tao o opisina para sa tulong.
Magtulungan tayo para manatiling ligtas at handa ang lahat sa panahon ng kalamidad.
Laging handa, laging ligtas, para sa Baras.



Maligayang Kaarawan sa aming Outfit Cheerleader! ๐ŸŽ‰Nawa'y salubungin ka ng araw na ito nang may kagalakan at pagmamalaki....
31/10/2025

Maligayang Kaarawan sa aming Outfit Cheerleader! ๐ŸŽ‰

Nawa'y salubungin ka ng araw na ito nang may kagalakan at pagmamalaki. Hangad namin ang iyong kaligayahan, mabuting kalusugan at marami pang kaarawan na dumating.



Maligayang Kaarawan sa aming Assistant Senior Crew Leader! ๐ŸŽ‰Nawa'y salubungin ka ng araw na ito nang may kagalakan at pa...
27/10/2025

Maligayang Kaarawan sa aming Assistant Senior Crew Leader! ๐ŸŽ‰

Nawa'y salubungin ka ng araw na ito nang may kagalakan at pagmamalaki. Hangad namin ang iyong kaligayahan, mabuting kalusugan at marami pang kaarawan na dumating.



๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€' ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญOctober 3, 2025, Isang araw na puno ng saya at pagod ng bawat isa. Taos puso kaming nag...
04/10/2025

๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ง๐—ฒ๐—ฎ๐—ฐ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐˜€' ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต
๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

October 3, 2025, Isang araw na puno ng saya at pagod ng bawat isa. Taos puso kaming nag papasalamat na kami ay naging bahagi ng Teachers' Day Event na inorganisa ng aming Prime SSLG officers para ipagdiwang ang aming mga Prime Teachers sa pagtatapos ng National Teachers' Month. Nawa'y napawi ang lahat ng inyong pagod at sakripisyo sa paghahanda ng programa para sa ating mga g**o. ๐Ÿซกโšœ๏ธ



OKTUBRE 3, 2025 Sa pagdiriwang ng Buwan ng Scouting, masiglang inilunsad ng Prime Scouts - Outfit 402 ang kanilang mga a...
04/10/2025

OKTUBRE 3, 2025

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Scouting, masiglang inilunsad ng Prime Scouts - Outfit 402 ang kanilang mga aktibidad sa pamamagitan ng isang Sunrise Parade. Kasabay ng pagsikat ng araw, sumibol ang panibagong pag-asa na nagsisilbing inspirasyon upang abutin ang mas matataas na pangarap, makamit ang ating mga layunin, maglingkod nang tapat, at hubugin ang kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโšœ๏ธ





Can't decide what to eat? We gotchu!๐Ÿ”ฅ Java Rice with Lumpia + Mango Gulaman = ๐Ÿคค๐Ÿ‘Œ๐ŸปWhat: Teachers' Month 2025 BazaarWhere:...
02/10/2025

Can't decide what to eat? We gotchu!๐Ÿ”ฅ Java Rice with Lumpia + Mango Gulaman = ๐Ÿคค๐Ÿ‘Œ๐Ÿป

What: Teachers' Month 2025 Bazaar
Where: Covert Court of BPP2NHS
When: October 3, 2025

what are you waiting for? come on ang join the fun, with Java Rice and lumpia ala Prime Scouts!



Address

Pinugay, Phase 2
Baras
1970

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Senior Scouts of Baras-Pinugay Phase 2 NHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share