Gov. Mark Clenton J. Carnate CTEd-SC '25-'26

Gov. Mark Clenton J. Carnate CTEd-SC '25-'26 THE OFFICIAL FACEBOOK PAGE OF CTEd-SC GOVERNOR A.Y. 2025-2026
⚜️“By the Student Council Organization, for the College of Teacher Education”⚜️

𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐊𝐓𝐈𝐁𝐎’𝐓 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐊𝐓𝐈𝐁𝐎𝒫𝒶𝑔𝓃𝒾𝓃𝒾𝓁𝒶𝓎Sa bawat yugto ng pamumuno, laging may paghahambing. Laging may bumabalik sa nakaraan...
25/03/2026

𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐊𝐓𝐈𝐁𝐎’𝐓 𝐈𝐌𝐏𝐄𝐑𝐏𝐄𝐊𝐓𝐈𝐁𝐎
𝒫𝒶𝑔𝓃𝒾𝓃𝒾𝓁𝒶𝓎

Sa bawat yugto ng pamumuno, laging may paghahambing. Laging may bumabalik sa nakaraan upang gawing pamantayan ang kasalukuyan. Ngunit sa gitna ng ganitong diskurso, mahalagang itanong: ang mga paghahambing bang ito ay nakabatay sa katotohanan, o sa piniling alaala lamang?

Hindi maikakaila na ang kasalukuyang administrasyon ay hindi perpekto. May mga pagkukulang, may mga pagkakataong kinakapa pa ang direksyon, at may mga hamon sa koordinasyon at komunikasyon. Ito ay likas sa anumang bagong pamunuan, isang proseso ng pagkatuto, pag-aangkop, at paghubog. Ang liderato ay hindi nasusukat sa unang hakbang, kundi sa kakayahang matuto at tumindig sa gitna ng pagkakamali.

Ngunit ang pagkilala sa mga kahinaan ng kasalukuyan ay hindi dapat maging lisensya upang maliitin ito lalo na kung ang batayan ng paghahambing ay isang idealisadong bersyon ng nakaraan.

Hindi ko kailanman makakalimutan na ako’y minsang naging parte ng nakaraang Kasaysayan, nasaksihan ko ang mga bagay na ngayon ay ipinagmamalaki. At kung magiging tapat tayo, hindi rin naging madali ang lahat noon. May mga pagkakataong hindi uusad ang mga gawain kung wala ang konkretong suporta at inisyatiba ng mga sinasabing nasa ibabang konseho. Ang tinatawag na “maayos na sistema” ay hindi lamang bunga ng iisang tanggapan, kundi ng kolektibong pagtutulungan ng iba’t ibang pamunuan sa loob ng kolehiyo.

Maraming programa at inisyatiba noon ang naitaguyod hindi lamang dahil sa mataas na pamunuan, kundi dahil sa aktibong pakikilahok at pagbubuhat ng responsibilidad ng mga nasa ibabang estruktura. Ito ang realidad na madalas hindi nakikita o sadyang hindi binibigyang-diin sa mga naratibong pumupuri sa nakaraan.

Kung ihahambing ang dalawa, hindi sapat na tingnan ang resulta lamang, dapat ding suriin ang konteksto. Ang kasalukuyang administrasyon ay humaharap sa ibang uri ng hamon, ibang dinamika ng mga mag-aaral, at ibang antas ng inaasahan. Sa kabila nito, may mga hakbang nang nagawa, mga aral na natutunan, at mga pagbabagong unti-unting naipapatupad.

Ang progreso ay hindi laging agad nakikita. Hindi ito kasing kinis ng alaala ng nakaraan. Ngunit hindi ito nangangahulugang ito ay kulang o walang halaga.

Ang tunay na problema sa ilang uri ng kritisismo ay hindi ang pagtukoy sa pagkukulang, kundi ang paraan ng paghahain nito. Isang paghahambing na tila may “perpektong administrasyon” na dapat tularan, at isang kasalukuyang hindi kailanman makakaabot dito. Ang ganitong pananaw ay hindi lamang nakasisira, kundi nakahahadlang pa sa makabuluhang pag-unlad.

Ang liderato ay hindi kompetisyon ng nakaraan at kasalukuyan. Ito ay tuloy-tuloy na proseso ng paghubog kung saan ang bawat administrasyon ay may ambag, may pagkukulang, at may natutunan. Ang nararapat na tanong ay hindi kung sino ang mas magaling, kundi kung paano mas mapagbubuti ang paglilingkod sa mga mag-aaral.

May mga salitang madaling bigkasin ngunit mahirap panindigan, perpekto at imperpekto. Ang una’y kadalasang iniuugnay sa nakaraan: tapos na, pinakinis na ng alaala, at ginawang pamantayan ng lahat ng sumunod. Ang ikalawa nama’y inilalapat sa kasalukuyan: patuloy na hinuhubog, sinusubok, at madalas hinuhusgahan habang hindi pa natatapos ang kuwento.

Ngunit sa pagitan ng perpektibo’t imperpektibo, naroroon ang katotohanan.

Hindi ko ikinakaila na ang kasalukuyang administrasyon ay hindi perpekto. Ngunit hindi kami rin kami nahuhuli. Lalong hindi kami palpak. Kami ay isang administrasyong lumalaban nang tahimik at patas, lumilipad nang malaya at makatarungan, sa kabila ng bigat ng inaasahan at ingay ng mga puna.

Bilang Gobernador ng pamunuang ito, ako ang isa sa pangunahing puntirya ng mga batikos. Ramdam ko ang bigat ng bawat salitang ibinabato, ng bawat pagdududang ibinubulong, at ng bawat paghusgang ipinupukol nang walang sapat na batayan. May mga kritikong walang saysay, may mga paratang na walang mukha, at may mga sandaling ang sakit ay nagmumula pa sa mga minsan kong itinuring na kapanalig.

May mga pagkakataong ang pinagkakatiwalaan ay piniling talikuran ang katotohanan kapalit ng pansariling imahe.

At sa gitna ng lahat ng ito, ako ang sumasalo.

Sinasalo ko ang mga bala ng kanyon. Tinanggap ko ang mga pighati. At kahit may mga sugat mula sa aking likuran, pinili kong tumayo, matatag, tahimik, at may paninindigan.

Sapagkat ang totoo “nagagawa kong magtrabaho’t magsilbi kahit na katabi ko na ang mga kaliwa’t kanang bungangang batikos.”

Sa kabila nito, may mga patuloy na bumabalik sa nakaraan at ibinibida ito bilang sukdulang halimbawa ng kahusayan, habang itinuturing na sablay ang kasalukuyan. Para bang ang kanilang opinyon lamang ang tama. Para bang ang kanilang termino lamang ang walang bahid ng pagkukulang. Ngunit ang ganitong pananaw ay hindi lamang mapanlinlang, ito rin ay hindi makatarungan.

Walang administrasyon ang naging perpekto. At kung mayroon mang tila ganoon sa alaala, marahil ito’y bunga ng pagpili kung ano lamang ang aalalahanin.

Hindi ko kailanman pinangarap na maging perpekto ang administrasyong ito. Ang hangarin namin ay maging tapat, makabuluhan, at matagumpay sa aming paglilingkod.

At sa biyaya ng Maykapal, unti-unti naming napapatunayan: hindi nasusukat sa ingay ng papuri o bigat ng kritisismo, kundi sa mga konkretong bunga ng aming ginagawa.

Isang katotohanan ang hindi makakalimutang maisusulat sa Kasaysayan, na sa hinaba-haba ng panahon, mga taon na nagapos tayo sa ibaba, ngayon ay muli nang nakamit ng administrasyong ito ang pagiging Overall Champion sa ika-22 Charter Anniversary: Barkada Festival 2026. Hindi ito aksidente, kundi bunga ng pagtitiyaga, pagkakaisa, at tuloy-tuloy na paggawa.

Kaya sa mga patuloy na nagdududa, ito ang aming tugon:

Hindi kami perpekto, ngunit kami ay totoo.
Hindi kami walang pagkukulang, ngunit kami ay kumikilos.
At higit sa lahat, hindi kami natatakot na ipaglaban ang naaayon.

Sapagkat sa pamumuno, malinaw ang isang aral:
“You cannot be a leader if you are afraid of criticism.”

Sa huli, ang kasaysayan ay hindi isinusulat ng mga nag-aangking perpekto, kundi ng mga handang harapin ang imperpeksyon at sa kabila nito, patuloy na magsilbi.

Ito ang aming kuwento.
Hindi perpekto, ngunit may saysay.
Hindi pa tapos, ngunit patuloy na isinusulat nang may katapatan.

"By the Student Council Organization, for the College of Teacher Education"
S.Y. 2025-2026


Moments captured during CaVRASUC 2026—memories, smiles, and pride that made the event truly unforgettable. 📸✨📸: CTEDSC  ...
06/03/2026

Moments captured during CaVRASUC 2026—memories, smiles, and pride that made the event truly unforgettable. 📸✨

📸: CTEDSC


Our warmest congratulations once again to Joshua Del Rosario for being crowned Mr. CaVRASUC 2026! 👑Your CTEDSC family is...
06/03/2026

Our warmest congratulations once again to Joshua Del Rosario for being crowned Mr. CaVRASUC 2026! 👑

Your CTEDSC family is incredibly proud of you. May you continue to shine, inspire, and represent with excellence. We will always be here cheering for you! 🎉👏

Credit📸: Momshieee Astrid P. Yago
CTEDSC



Address

Calaocan, Nueva Vizcaya
Bambang
3702

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Gov. Mark Clenton J. Carnate CTEd-SC '25-'26 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share