05/08/2026
📢 AVAS FOUNDATION STANDS WITH OUR KATUTUBO!
Ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat ipinipilit—ito ay dapat pinag-uusapan, pinagkakasunduan, at may malayang pahintulot ng mismong komunidad.
Naninindigan ang AVAS Foundation sa pagsuporta sa ating mga Katutubo sa kanilang panawagan na igalang ang kanilang mga karapatan, kultura, at lupang ninuno.
Kung may mga proyektong ipatutupad sa loob ng Ancestral Domain, nararapat lamang na magkaroon ng malinaw, bukas, at makabuluhang konsultasyon sa buong Tribal Community alinsunod sa mga umiiral na batas na nagpoprotekta sa karapatan ng mga Indigenous Peoples.
Ang aming panawagan:
✅ Igalang ang boses ng mga Katutubo.
✅ Siguruhing may tunay na konsultasyon sa komunidad.
✅ Unahin ang kapakanan ng kalikasan at ng susunod na henerasyon.
✅ Isulong ang pag-unlad na may katarungan, respeto, at pananagutan.
Ang AVAS Foundation ay patuloy na magiging katuwang ng ating mga Katutubo sa mapayapang pagtatanggol ng kanilang mga lehitimong karapatan.
"Walang tunay na kaunlaran kung ang boses ng mga Katutubo ay hindi pinakikinggan."