Pahinga with Jesus Community

Call Directions Contact the organization

Pahinga with Jesus Community We exist to Glorify God, thru providing Funds, Inspiration, Research, Skills and Transformative value

18/09/2026

September 19, 2026 | Luke 8:4-15 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

Sa Gospel ngayon, ipinapaalala, na lahat tayo ay tumanggap ng Salita ng Diyos.

Pare-parehong binhi ang natanggap natin, pero iba-iba ang kinalabasan. Iba-iba ang naging kapalaran.

Bakit? Ito ay nakadepende kung paano natin inalagaan ang binhi sa ating mga buhay.

18/09/2026

September 18, 2026 | Luke 8:1-3 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

Ang neck tie, napapansin agad.
Ang panyo, tahimik lang sa bulsa.

Pero kapag pinagpawisan ka,
mas kailangan mo ang panyo.

Ganoon din ang ibang tao sa buhay natin—
hindi laging nasa spotlight,
hindi laging napapansin,
pero palaging handang tumulong.

Sa Gospel ngayon, binanggit ang mga tahimik na naglilingkod.::sina Juana at Susana. Hindi masyado kilala o napapansin pangalan sa Gospel, pero kasama ni Maria Magdalena sa pagtulong sa ministry ni Jesus.

15/09/2026

September 16, 2026 | Luke 7:31-35 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

May mga taong sarado ang isip; ang gusto lamang nilang marinig ay yaon lamang pabor sa kanila... yun lamang ayon sa kanilang kalooban. Pero kapag hindi pabor, madaming nasasabi. Ito ay scenario ngayon sa ating Gospel.

14/09/2026

September 15, 2026 | John 19:25-27 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

May mga pagkakataon na gusto nating alisin ang sakit ng taong mahal natin.

Pero paano kung wala tayong magawa para mawala ito?

Minsan, ang tanging kaya nating gawin ay—
samahan sila at manatili tayo sa tabi nila.

13/09/2026

September 14, 2026 | John 3:13-17 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

Parang araw ang pagmamahal ng Diyos.

Kahit minsan tumalikod tayo at hindi natin ito makita,
hindi ibig sabihin na nawala ang araw.

Patuloy itong nariyan—
patuloy na nagliliwanag, patuloy na nagmamahal.

12/09/2026

September 13, 2026 | Matthew 18:21-35 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

May mga taong madaling patawarin.
Isang sorry lang, okay na.
Pero may mga taong iba…
kahit ilang taon na, kapag naaalala natin ang ginawa nila, sumasakit pa rin.
Kaya minsan ang tanong natin:
“Lord, hanggang kailan ba ako magpapatawad?”

10/09/2026

Septermber 11, 2026 | Luke 6:39-42 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

Napansin mo na ba na minsan, sobrang bilis nating makita ang mali ng ibang tao… pero ang sarili nating mali, parang invisible?

Alam natin kung ano ang dapat niyang baguhin.

Alam natin kung ano ang mali sa attitude niya.

Pero kapag tayo na ang pinagsabihan—

“Hindi naman ganun ’yon!”

09/09/2026

September 10, 2026 | Luke 6:27-38 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

Aminin natin…

madaling maging mabait sa taong mabait sa atin.

Pero paano kung ang kaharap mo ay taong nanakit sa iyo?

Yung taong hanggang ngayon, kapag naaalala mo ang ginawa niya, sumasakit pa rin.

Ito ang challenge ng Gospel natin ngayon.

08/09/2026

September 9, 2026 | Luke 6:20-26 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection Minsan, kapag tinitingnan natin ang buhay ng isang tao, mabilis tayong mag-conclude:

“Ang swerte naman niya.”

Magandang trabaho.
May pera.
Successful.
Maraming followers.
Mukhang maayos ang buhay.

Samantala, kapag may taong maraming pinagdadaanan, minsan iniisip natin:

“Kawawa naman siya.”

Pero sa Gospel ngayon, parang binabaliktad ni Jesus ang ating definition ng “blessed.”

07/09/2026

September 8, 2026 | Matthew 1:18-23 | Lumalim at Mamunga Gospel Reflection

May mga pagkakataon na maayos na ang plano natin…

tapos biglang may mangyayari na hindi natin inaasahan.

Parang may plot twist ang buhay.

At ang pinakamahirap minsan ay hindi yung nangyari—
kundi yung tanong na:
“Lord, bakit po ganito?”

Address

Baliuag

Telephone

+639222387004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pahinga with Jesus Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Pahinga with Jesus Community:

Shortcuts

Share